28/05/2021
Magandang balita mga Las Piñeros! Upang mahikayat ang ating mga kababayan na maging protektado at ligtas laban sa COVID-19, inihahandog po natin ang "May Bahay Sa Bakuna" Raffle Promo! Bukas ang raffle para sa lahat ng residente ng Las Pinas edad 18 years old pataas, na nakatanggap na ng First Dose O Second Dose ng COVID-19 Vaccine.
Layunin ng programang ito ay maisulong na ang pagpapabakuna ay hindi lang para sa sarili—ito ay para din sa inyong pamilya. Sa “May Bahay sa Bakuna”, bakunado ka na, panalo ka pa! Pagkat sa Las Piñas, May Bahay Sa Bakuna!
I like ang ating official page upang manatiling updated sa karagdagang impormasyon tunkol sa ating initiatibo.
Raffle Period ay mula June 4, 2021 - December 15, 2021. See posters for more details.