12/10/2024
😍🙏
EMPLEYADO MULA SAN PABLO, LAGUNA NA DATI PURO PANSIT CANTON LANG ANG KINAKAIN, NAKAPAGPUNDAR NA NG MGA BAHAY CONDO UNITS AT SASAKYAN DAHIL LANG SA PAGIGING VIRTUAL ASSISTANT.
PAANO NGA BA KUMITA NG DAANG LIBO SA TRABAHONG ITO?
“Namulat kami sa hirap ng buhay sa probinsya.
Bibili ako ng dalawang pakete ng instant noodles para sa aming walong magkakapatid.
Naging favorite na nga namin kainin ‘yun.
Kahit birthday namin, ‘yun ang handa.
Wala rin kaming sariling bahay.
Naputulan kami ng kuryente kaya ‘pag nag-aaral, kandila na lang ang ginagamit namin.
Ang dami kong pinasok na trabaho before para makatapos ng pag-aaral.
Nag-service crew ako, naging call center agent student sa umaga, BPO agent sa gabi.
Kumikita ako noon ng 20,000 to 25,000 pesos, monthly.
Pero hindi enough ‘yun, kasi may sariling pamilya na ako nu’n.
Hanggang sa nadiskubre ko ‘yung pagvi-virtual assistant.
Naengganyo ako kasi 500 per hour daw ang income.
Eh dati, 8 hours a day bago kitain ang 500 pesos.
Nu’ng nag-start ako, $3 per hour o nasa 150 pesos lang kada oras.
Ngayon, kumikita na ako ng 60,000 to 70,000 pesos per week!
‘Yung sumunod sa akin na kapatid ko, inalok ko rin na mag-VA.
Nag-teamwork kami. After two months, six digits na ‘yung kinikita namin!
Siya, nasa 200,000 to 250,000 pesos per month ang nakukuha.
May mga bonuses pa!
Nakapagpundar na kami ng tatlong condominium units at dalawang bahay!
Dahil sa VA work, natutustusan na namin ang pag-aaral ng limang kapatid.
Marami ang nagbago sa buhay namin.
Dati pancit canton lang ang inuulam, ngayon afford na namin ‘yung Pancit Malabon na pang 8 person.”
-Dianne, virtual assistant