05/06/2024
SIX STEPS SA PAGBILI NG LUPA πππ
Step 1
Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO.
Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga PASANIN (problema) yang lupang yan: nakaprenda/nakasanlamay nagki-CLAIM na iba Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa.
Step 2
Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey sa Mga Boundaries para ma check kong ok ba ang Actual ground wala bang structure or Fence sa Kabilang lot na lumagpas.. Sa Property na iyung Bibilhin.
Step 3
Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized yon.
Step 4
Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun, DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY STAMPS. Kunin mo na rin ibang requirements bibigyan ka ng copy sa registry of deeds and assesor's office para sa paglilipat ng title and tax declaration at ipapasa sa BIR main office ng lugar nyo kasabay ng pagbabayad ng ibang taxes.
Yung seller, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.(pero depende pa din sa usapan nyo sino magshoulder, indicated sa ginawang deed of sale)
Step 5
At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER
Step 6
Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), ipapasa mo sa Register of Deeds katunayan na bayad na lahat ng mga taxes kasama ang iba pang requirements na ibabalik ng BIR sayo
Isusurender na ang OWNERS' COPY ng titulo,iba pang requirements at maghihintay ka na. At yan kelangan mo ng follow-up,usually 1-3months depende sa bilis magprocess sa area nyo.
Iba pang proseso naman ang pagpapalipat ng tax declaration katunayan na ikaw na ang magbabayad ng tax sa property na nabili mo...ito ay ginagawa sa assesor's office ng municipyo ng lugar mo.
Kung ikaw ay naguguluhan, at kailangan mo ng tulong sa pagaayos ng titulo at tax dec, pwede mo kmi iPM para sa assistance. π