Silcas Village

Silcas Village Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Silcas Village, Real Estate, BLK 2, . LOT 11, Binãn.

Merry Christmas and Happy New Year ... to all....
28/12/2018

Merry Christmas and Happy New Year ... to all....

19/04/2018
its affordable and nice place to live with the best location in cavite ( Imus, Molino and Carmona )
24/03/2018

its affordable and nice place to live with the best location in cavite ( Imus, Molino and Carmona )

27/10/2017

ARAL NA SANA MABASA NG LAHAT.
" ONE THOUSAND PESO "
May isang kilalang Preacher na tumayo sa pulpit para sa isang seminar. Dumukot sya ng one thousand peso bill, at ipinakita sa mga lahat ng nakaupo na may mahigit isandaang katao. Sabay tanong, “Sino ang me gusto nitong isang libong piso?”
… Taasan ng mga kamay. “O sige,” sabi ng Preacher, “pero sandali,” tapos nilamukos nya ang perang one thousand pesos. Tapos nagtanong ulit..., “O, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin ng mga kamay ang mga tao.
“Okey,” sabi ng Preacher. “Pa’no kung gawin ko ito?” Tinapon nya sa lapag ang nilamukot na one thousand pesos, at inapakan nya ng maruming sapatos, dinampot at ipinakita uli sa mga nakaupong congregation.
“Ngayon, sino pa rin ang me gusto nito?” Muli, taasan pa rin lahat ng mga kamay.
“Mga kapatid, may natutunan kayong aral. Kahit anong gawin ko dito sa pera, ibig nyo pa rin dahil hindi nabawasan ang halaga nya. Isang libong piso pa rin ito. Maraming beses sa buhay natin, tayo’y naging marumi, bumagsak, isang basura, patapon, at inaapakan dahil sa mga desisyon at mga pangyayari sa buhay natin. Sa palagay natin, wala na tayong halaga. Pero anuman ang nangyari o mangyayari sa buhay natin, hindi nababawasan ang halaga natin sa mata ng Diyos. Sa Kanya, malinis man tayo o marumi, inapakan man o binasura, ikaw ay mahalaga sa Kanya.” Word of God: Psalm 17:8 states that God will keep us, “as the apple of His eye.”. To God be the glory forever. Amen..."

Kung nabasa at nagustuhan mu ay pakisulat lamang ang "AMEN" at ipasa sa iyong timeline kung mahal mo ang mga magulang mo

worth sharing 😉

iLike ang ating page (Y) OFW Go Home Project

28/09/2017
28/09/2017

Mga Payo ni Lola Senya para ikaw ay Yumaman

^

Please Like and Share PESO SENSE
-

1 - Simulan mo ang pag-iipon Apo, hindi mamaya na, hindi may bukas pa, dapat ay “Ngayon na!”. Para pag dukot mo ng pitaka, may laman na pera at hindi lang puro calling card ang makikita.

2 – Apo bawas-bawasan ang pag gimik at pagpa-party. Bukod sa nauubos ang pera mo, maaring maapektuhan ang bahay alak at kidney. Sa halip na gumastos sa mga inuming nakakalasing. mas maiging ang pera mo ay itabi at sinupin.

3 – Hindi mo kailangang maging magastos Apo para mapasaya ang kasintahan, tandaan na mas higit pa sa material na bagay ang kanyang kailangan. Baka kailangan mo lang ng mas maraming lambing sa katawan. Nakatipid ka na, tumibay pa ang inyong samahan.

4 – Apo, ang pag-utang ay maiiwasan kung matututo kang mag-ipon. Mabilis na lumilipas ang panahon pero nganga ka pa din hanggang ngayon. Mag isip-isip ka Tsong!

5 – Apo bawasan ang pagkain sa labas dahil lumalaki na ang bilbil mo sa halip na magkaroon ka ng abs. Tapos magrereklamo ka pa na wala ng kasya sa’yong damit, e palagi ka naman palang kumakain sa mga buffet! E di wow.

6 – Apo, huwag kang masyadong maawain sa mga nangungutang, dahil sa bandang huli ikaw rin ang mawawalan. Turuan mo sila na magkaroon ng pagkakakitaan. Huwag kang pumayag na ikaw ay abusuhin lang.

7 – Apo Hindi SALE ang kasagutan para ikaw ay makatipid, kailangan mo lang maging maingat at mapagmasid. Sa SALE ka nga namimili pero sandamakmak naman ang dala mo pag-uwi, nakatipid ka ba? Feeling ko hindi.

8 – Certified Kuripot ka Apo, nakikita ko sa mga kilos mo. Yun lang nga wag masyadong maging kuripot at baka mawala na lahat ng mga kaibigan mo. Ok lang na ikaw ay maging belekoy basta hindi sosobra ito.

9 – Apo iwasan mo ang pagpost ng mga Travel at Gimik pictures mo sa Facebook at Instagram, dahil baka dagsain ka ng mga kaibigan at kamag-anak mo na nangungutang. Aakalain nilang isa kang mayamang nilalang.

10 – Puro ka withdraw sa ATM Apo kaya unti unting nababawasan ito. Huwag mo munang isipin ang mga Luho. Mag deposit ka din minsan kahit isang beses sa isang Linggo. Tignan mo at dadami ulit ang laman ng ATM at tiyak na ito’y lalago.

11 – Apo dahil mahilig kang magtravel, ubos lagi ang budget mo. Katwiran mo ay YOLO (You Only Live Once), tama naman kaya lang wag mung saidin ang pera mo ng dahil lang sa mga pamamasyal at luho. Tandaan na marami ka pang ibang paggagastusan bukod dito.

12 – Apo matuto kang tumanggi sa panghihikayat ng mga kaibigang Bad Influence. Tandaan na pag nakipagsabayan ka sa uso at sumama ka sa lifestyle nila tiyak na ipon mo ay mauubos at baling araw ikaw ay nganganga.

13 – Mabuhay ka ng naayon sa estado Apo. Huwag kang magpanggap na mayaman kung ikaw ay nahihirapan, mas mabuting nagpapakatotoo ka na lang. Makikita naman yan sa iyong totoong buhay at iyong kalagayan. Wag mag-feeling mayaman.

14. Apo mahilig ka sa mga bagong gadget at makiuso para maging “in”. Pero tandaan na lahat ng gamit na ito ay malalaos din. Hindi masama ang bumili ng bagay na gusto mo lang, at tandaan na unahin mo muna ang mga bagay na kailangan.

15 – Apo unahing itabi ang ipon pagkatanggap ng sweldo o sustento. Tapos ay tsaka mo gastusin sa mga bayarin ang matitira rito. Sa ganitong paraan ipon mo ay madadagdagan. Hindi ka na mahihirapan sakaling dumating ang kagipitan.

16 – Apo ok lang na maging kuripot, tandaan na ang pera mo ay hindi mo pinupulot. Wag magpaapekto sa sasabihin ng iba dahil wala silang pakielam at pera mo naman ang iyong ginagasta. Tiyak naiinggit lang sila kasi may ipon ka, malamang sila ay wala.

17 – Apo maghanap ka ng dagdag na pagkakakitaan at wag umasa sa trabaho mo na pangkasalukuyan. Hindi masama na maging ahente ng mga insurance, basta marangal ito at wala kang ibang taong nililinlang.

18 – Apo imbis na bumili sa mga mamahaling Establishment, I-try mo rin minsan na mamili sa Tutuban at 168. Tiyak na makakatipid ka at ipon mo ay madadagdagan pa. Tandaan na wala yan sa ganda ng etiketa, pero naka depende sa’yo kung paano ka magdala.

19 – Apo marami kang pangarap pero gumagawa ka ba ng paraan para ito ay matupad? O para ka lang si Juna tamad na hinihintay na ang Prutas sa’yo ay malaglag? Panahon na para ikaw ay magsikap. Umpisahan ang pagpaplano at pag-abot nito para sa iyong magandang hinahaharap.

20 – Nahihiya kang mangutang Apo dahil ayaw mo ng makaabala ka ng ibang tao. Tama ito Apo, dahil sa tuwing nanghihiram ka ay nababawasan ang tingin sa’yo ng ibang tao sa’yo. Iwasang mangutang at mag-ipon ka para sa kinabukasan upang may madukot ka sa oras ng pangangailangan.

21 – Apo umiwas sa mga scam at maging mapagmasid. Mangangako sila sa’yo na ti-triple ang kita ng iyong pera, hindi mo alam ay niloloko ka na pala. Tandaan na walang instant pera sa panahon ngayon, instant noodles meron.

22 – Apo hindi masama ang maging malalalim ang bulsa, katunayan ito na marunong kang magpahalaga ng pera. Basta wag kang mahihiya kung Kuripot ka sa paningin ng iba. Minsan naiinggit lang ang ibang tao sa’yo dahil alam nilang may ipon ka.

23 – Apo pahalagahan mo ang iyong kalusugan. Imbis mag taxi, maglakad ka na lang. Na-exercise ka na, nakatipid ka pa. kapag malusog ang katawan, hindi ka magkakasakit. Pati ang pera mo na nakatabi ay hindi mo magagamit.

24 – Apo wag kang mag feeling galante kung nagpapanggap ka lang. Dahil pagdating ng panahon ikaw rin ang mahihirapan. Kaya wag mag pa-impress sa iba kung ipon mo ang nakataya. Mas ok pa na tawaging Kuripot ka, kaysa galante nga pero wala ka namang kwarta.

25 – Iwasan ang pagbibisyo Apo para di mabawasan ang ipon mo. Darating ang panahon na magsisisi ka na ang perang nilustay mo sa alak, sugal, at babae, sana ay inipon mo na lang pala at itinabi.

26 – Apo huwag kang laging umasa sa bigay kung kaya mo naman maghanap buhay. Tandaan na ang taong palaasa at nasanay sa hingi, ay kinaiinisan ng nakararami. Magsikap ka Apo! Tiyak na gaganda ang kinabukasan mo.

27 – Apo bago ka magbitaw ng pera, tanungin mo muna kung kailangan mo ba talaga ito o baka ito ay luho o kapritso mo. Kapag kailangan mo ito, go at bilhin mo. Pero kung hindi, mas mabuting itabi ang pera mo at lumakad palayo. Huwag kang magpapadala sa tukso!

28 – Apo palagi mong bilangin ang sukli. Iwasan ang palaging pagmamadali. Hindi mo alam na kulang na pala ang iniaabot sa’yo ng tindera pag ikaw ay namimili. Maging mapanuri.

29 – Apo isipin mo na madali lang mag-ipon. Basta kailangan mo ng tamang pagkokontrol sa sarili at dedikasyon. Dahil pag naging waldas ka sa pera ngayon, magiging madilim ang kinabukasan mo pagdating ng panahon.

30. Unahin mo ang kapakanan ng pamilya mo Apo bago ang kapritso ng mga kaibigan at ibang tao. Tandaan na kaya ka nagta-trabaho ay para matugunan mo ang pangangailangan ng pamilya, at hindi ang hiling at pambubuyo ng mga kaibigan at kabarkada.

31 – Apo palagi kang manalangin sa Panginoon na pagpalain ka. Dahil kung wala kang Diyos sa buhay mo, hindi mo makakamtan ang tunay na pagpapala. I-share mo ang blessings sa iba, wag lang ngang sosobra na darating sa puntong mauubusan ka.

- Lola Senya

22/09/2017
18/09/2017
For sale rush.
27/08/2017

For sale rush.

Address

BLK 2, . LOT 11
Binãn

Telephone

09496355977

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Silcas Village posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category