06/08/2026
‼️‼️‼️
🚨 Community Advisory | PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE
Mga Kapitbahay, may mga naiuulat po na kaso ng PAGNANAKAW NG WATER METER dito sa ating komunidad. Kaya naman, patuloy po tayong maging ALERTO! 👀
📌 Mga paraan upang mapigil ang water meter theft
✔️ Maging mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao o kilos.
✔️ Kung may CCTV, tiyaking gumagana ito.
✔️ Siguraduhing ligtas at maayos ang inyong water meter.
✔️ Agad na i-REPORT sa CLUBHOUSE o sa ating mga TANOD ang anumang kahina-hinalang aktibidad o insidente. Ang mga contact numbers po at nakasaaad sa infographics na kalakip nito.
🤝 Ang kaligtasan po ng ating komunidad ay responsibilidad nating lahat.
💧 Tandaan: Ang isang simpleng report ay maaaring makaiwas sa abala, at pagkawala ng suplay ng tubig.
Let's look out for one another. 🏡
Kung may nakita, huwag mag-atubiling magsumbong. Ang inyong malasakit at pagiging alerto ay maaaring makapigil sa susunod na insidente.