Tubong Bocaue Bulacan

Tubong Bocaue Bulacan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tubong Bocaue Bulacan, Real Estate, Bunducan, Bocaue.

BOCAUE, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITYOpisyal nang isinailalim sa State of Calamity ang Bayan ng Bocaue dahil sa pinsa...
24/07/2025

BOCAUE, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

Opisyal nang isinailalim sa State of Calamity ang Bayan ng Bocaue dahil sa pinsalang idinulot ng malawakang pagbaha. Ang deklarasyong ito ay bunga ng masusing koordinasyon at pagtutulungan nina Mayor Jonjon Villanueva, Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, mga Konsehal ng Team Solid, at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Layunin ng deklarasyon na agad matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad, at magpatupad ng mga hakbang para sa kaligtasan at suporta sa mga pamilyang naapektuhan.

Kabilang sa mga probisyong nakasaad sa deklarasyon ang pagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa lokal na pamahalaan upang mas mabilis na makakilos at magamit ang Calamity Fund para sa pamamahagi ng ayuda at pagsasakatuparan ng mga relief operations at rehabilitasyon sa mga apektadong barangay.

Isinasaad din nito ang pagpapatupad ng mga mekanismo upang masigurong kontrolado at mananatiling tama ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa tulong at awa ng Panginoong Diyos at sa ating pagtutulungan, malalampasan din natin ang pagsubok na ito.




Mahalagang pabatid.Dahil sa  masamang panahon dulot ng Bagyong Dante at Bagyong Emong at dahil din po sa atas ng Departm...
24/07/2025

Mahalagang pabatid.

Dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Dante at Bagyong Emong at dahil din po sa atas ng Department of Interior and Local Government DILG Office, wala pong pasok bukas July 25, 2025, (Friday) ang lahat ng antas ng eskwela sa ating bayan ng Bocaue.

Wala din pong pasok ang mga government offices bukas.

Ang mga ahensya at sangay ng gobyerno na nasa essential government function ay may pasok.

Maging alerto at mag-iingat po tayong lahat, Bocaueños.




Address

Bunducan
Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tubong Bocaue Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category