02/03/2026
1️⃣ May Application Form / Tenant Resume
Huwag verbal lang.
Magpa-fill out ng:
• Buong pangalan
• Trabaho / Company
• Monthly income
• Contact number
• Previous landlord
• Character references
👉 Red flag: Ayaw magbigay ng complete details.
⸻
2️⃣ I-Verify ang Income
Rule of thumb:
📌 Ang renta dapat hindi lalagpas sa 30–40% ng monthly income niya.
Halimbawa:
• Income: ₱20,000
• Rent: ₱8,000
Medyo mabigat na yan.
Pwede ka humingi ng:
• COE
• Latest payslip
• Business permit (kung self-employed)
⸻
3️⃣ Tanungin ang Rental History
Importanteng tanong:
• Bakit ka umalis sa previous unit?
• May balance ka ba sa dati mong landlord?
• Ilang months ka tumira doon?
Kung may previous landlord, tawagan mo para mag verify.
⸻
4️⃣ I-Observe ang Attitude
Sa interview pa lang:
• On time ba siya?
• Maayos kausap?
• Respetado ba ang rules?
Tandaan:
📌 Mahirap kausap sa interview = mas mahirap pag tenant na.
⸻
5️⃣ I-Explain ang House Rules Clearly
Bago mag move-in:
• Ilang tao lang allowed?
• Bawal ba negosyo?
• Visitor policy?
• Due date & penalty?
Kapag may reklamo agad sa rules, mag-isip ka na.
⸻
6️⃣ Collect Proper Deposit & Advance
Serious tenant = walang problema sa:
• 1 month advance
• 2 months deposit
• Signed Contract of Lease
Yung laging nakikiusap na “pwede kalahati muna?”
⚠️ Madalas yan din ang laging delay.
⸻
7️⃣ Gut Feeling + Due Diligence
Hindi lang awa ang basehan.
Negosyo ito.
Mas mabuti:
✔ 2 weeks bakante ang unit
Kesa 1 year sakit sa ulo ang tenant.
⸻
🔥 Tandaan Ka-Landlord:
Hindi lahat ng naghahanap ng bahay ay qualified maging tenant mo.
Mas mahalaga ang quality ng tenant kaysa mabilis na occupancy.