03/12/2023
We are posting this to clarify the issue.
A concerned citizen sent this rant to us on facebook.
Maraming nagsu-supply ng tubig sa Barangay Balatasan na nagmumula sa bayan ng Bulalacao at ibang karatig barangay. Wala man pong nabanggit na pangalan ng refilling ngunit kami lamang po ang active water refilling station sa Barangay Balatasan. At para maresolba ang nasabing isyu, aming po ipinatawag sa barangay ang mga taong involved.
Ang 2M2A Water Refilling Station ay sumusunod sa lahat ng protocols ng Municipal Health Office ng Bulalacao. Dumaan din po kami sa masinsinang inspeksyon at pasado po kami sa laboratory tests na isinagawa ng MHO.
Hindi po kami gumagamit ng kahit anong uri ng sabon or dishwashing liquids upang linisin ang loob ng container dahil ito po ay ipinagbabawal ng DOH. At higit sa lahat wala pong amoy o lasang kalawang ang aming tubig. Sinisiguro po namin na malinis at safe ang produktong ibinibenta namin.
Ang 2M2A Water Refilling Station ay hindi lamang naka-focus sa kung magkano ang kikitain, mahalaga po sa amin ang kapakanan ng aming mga consumers.
Maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aming page account para sa ano mang reklamo, hinaing o suhestiyon, ipagbigay alam nyo lamang po sa amin. Kami po ay handa, open at willing po makinig at matuto sa mga bagay na hindi pa namin alam at dapat pang malaman.
Ngunit ang ganitong klaseng pagpapahayag ay hindi po namin tatanggapin at palalampasin. May kalayaan po tayong magreklamo, magpost at magpahayag ng ating saloobin sa social media ngunit siguraduhin po nating sapat ang impormasyon at hindi pawang paninira o makakasira ng reputasyon ng tao o negosyo.
THINK BEFORE YOU CLICK.