11/05/2026
3 reason bakit natatakot ang karamihan
mag-loan para makabili ng bahay.
Kung isa ka sa mga natatakot mag-housing loan…
naiintindihan kita.
Hindi biro ang commitment.
Lalo na kapag narinig mo yung:
“20 years to pay.”
“30 years to pay.”
“May interest pa.”
Parang ang bigat agad pakinggan.
Kaya maraming gustong bumili ng bahay…
pero umatras pagdating sa financing.
At minsan, hindi dahil wala silang pangbayad.
Takot lang talaga sila.
Here’s the reality.
Hindi housing loan
ang problema ng karamihan.
Kulang lang sila sa clarity
kung paano ito gumagana.
Ito yung 3 common reasons.
Una, takot sila sa long-term commitment.
Kapag narinig nila ang 20–30 years,
feeling nila habang buhay na silang may utang.
Pero eto ang hindi naiintindihan ng marami.
Maximum term lang yan.
Hindi ibig sabihin kailangan mong tapusin lahat ng taon.
Pwede mong paikliin ang loan
through advance payments, refinancing,
o mas mataas na amortization later on.
Pangalawa, lumaki silang naniniwala
na lahat ng utang masama.
Pero may difference ang utang para sa luho
at utang para sa asset.
Kapag umutang ka para sa bagay
na pwedeng tumaas ang value
o makatulong sa long-term stability mo,
iba ang purpose nun.
Hindi lahat ng utang pabigat.
Pangatlo, hindi malinaw ang process.
Hindi nila alam paano ma-approve.
Paano mag-budget.
Paano i-manage ang monthly.
At kapag hindi mo naiintindihan ang isang bagay,
natural lang na matakot ka dito.
Kaya bago ka matakot sa housing loan,
tanungin mo muna sarili mo:
Delikado ba talaga ito…
o hindi ko pa lang talaga naiintindihan?
Kasi minsan,
clarity lang ang kulang
para makagawa ka ng tamang decision.
(C) bosskfr