Balai Living Realty

Balai Living Realty “Home is the starting place of love, hope and dreams.”
— Sadhguru

21/08/2026
16/08/2026
03/08/2026

Work willingly at whatever you do, as though you were working for the Lord rather than for people. - Colossians 3:23

11/07/2026

Ito ang pwedeng mangyari sa downpayment mo
kapag na-deny ang loan mo.

Kung bibili ka ng property,
kailangan mong maintindihan to.

Kasi ang focus ng karamihan:

Monthly
Approval
Move-in

Pero hindi nila nakikita
yung risk sa gitna.

Here’s the reality.

Hindi lahat ng downpayment nababalik.

Ang akala ng marami:
“Safe yan, refundable naman.”

Pero depende yan sa terms.

Ito ang tatlong pwedeng mangyari:

1. Partial refund
May deductions base sa contract.

Hindi ibig sabihin na makukuha mo lahat ng binayad mo.

Usually, may ibabawas tulad ng:
👉 Reservation fee
👉 Processing fees
👉 Admin charges

Minsan kahit ilang buwan ka nang nagbabayad,
hindi buo ang babalik.

Reality:
Naglabas ka ng malaking pera…
pero portion lang ang mababawi mo.

2. Forfeited
May cases na wala kang makukuha.

Ito ang pinaka-masakit.

Kapag hindi mo na-meet ang conditions—
halimbawa:

👉 Late ka sa process
👉 Hindi complete ang documents
👉 Hindi ka naka-follow sa timeline

Pwedeng ma-forfeit ang downpayment mo.

Meaning:
Lahat ng binayad mo… wala na.

Hindi ito pananakot.

Nasa contract ito
pero kadalasan hindi napapansin.

3. Conversion
Ililipat sa ibang unit, hindi cash.

Sa halip na ibalik ang pera mo,
io-offer sayo na ilipat na lang sa:

👉 Mas murang unit
👉 Ibang project
👉 O ibang payment terms

Mukhang solution siya…
pero hindi lahat gusto ito.

Kasi hindi mo naman plano yun originally.

Reality:
Hindi ka nawalan ng pera…
pero nawala ang control sa decision mo.

Dito nagkakaroon ng malaking loss.

Hindi dahil mali ang desisyon mo.
Kundi dahil kulang sa impormasyon.

Kaya bago ka maglabas ng pera:

👉 Intindihin ang refund policy
👉 Alamin ang approval conditions
👉 I-check ang processing timeline

Hindi ka dapat pumapasok
nang hindi mo alam ang exit mo.

Kasi sa dulo,

hindi lang approval ang laban
protection din ng pera mo.


04/07/2026

Hindi mo kailangang magbayad
ng housing loan for 30 years.

Maraming Pilipino ang natatakot sa housing loan
dahil sa haba ng term.

30 years.

Parang habang buhay na commitment.
Pero may isang bagay na hindi nila naiintindihan.

Ang 30 years ay option.
Hindi obligasyon.

Ito ang maximum term
na binibigay ng bank
para maging mas mababa ang monthly amortization.

Kaya mukhang “affordable.”
Pero may kapalit.

Mas mahaba ang loan,
mas mataas ang total interest.

Ibig sabihin,
mas mahal ang bahay mo in the long run.

Kaya ang tanong hindi lang:
“Kaya ko ba ang monthly?”

Ang tanong dapat:
“Magkano ang total na babayaran ko?”

Kung babayaran mo ito ng 30 years,
mas malaki ang interest
kaysa sa mas maikling term.

Kaya maraming strategic buyers
hindi nila tinatapos ang full term.

Ginagawa nilang flexible ang loan.

Naglalagay sila ng extra payment
kapag may pagkakataon.

Ina-adjust nila ang term
kapag lumalaki ang income nila.

At minsan, ginagamit nila ang property
para magkaroon ng additional income.

Sa ganitong paraan,
hindi sila natatali sa 30 years.

Mas maaga silang natatapos.

Sa real estate,
hindi lang pagkuha ng property ang importante.

Kung paano mo siya babayaran,
doon ka mananalo o matatalo.

30/06/2026

Trust yourself. You know more than you think you do.

23/06/2026

Words can inspire and words can destroy. Choose yours well.

20/06/2026

May the favor of the Lord our God rest on us; establish the work of our hands for us— yes, establish the work of our hands. - Psalm 90:17

Address

Marinig
Cabuyao
4025

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balai Living Realty posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category