12/11/2026
12 minutes drive from Camella dos Rios and dos Rios trails
SM NUVALI, MAGBUBUKAS SA SANTA ROSA CITY SA NOBYEMBRE 27
Nakatakdang magbukas sa Nobyembre 27 ang SM Nuvali, ang pinakabagong shopping mall ng SM Prime Holdings Inc., sa Santa Rosa City, Laguna. Tampok dito ang isang ektaryang indoor garden na idinisenyo upang magbigay ng maliwanag at komportableng lugar para sa mga mamimili at bisita.
Hango sa Gardens by the Bay ng Singapore ang konsepto ng indoor garden, na gagamitan ng espesyal na roofing system upang makapasok ang natural na liwanag habang nababawasan ang init sa loob ng gusali. Bukod sa mga tindahan at restaurant, magkakaroon din ito ng landscaped open spaces, playgrounds, paw park at Sky Pods.
May mahigit 82,000 square meters na gross leasable area ang SM Nuvali at magiging ika-91 mall ng SM Prime sa buong bansa, gayundin ang ikalima at pinakamalaking mall nito sa Laguna. Kabilang din sa mga sustainability feature nito ang solar panels, water recycling systems, electric vehicle charging stations at mga pasilidad para sa recycling.