29/08/2023
Mag asawang OFW sa Saudi Arabia, masayang nakapundar ng bahay sa Pilipinas para sa mga anak.
Kwento ni Florence Simangan sa KAMI na mahigit 5 years na siyang nagtatrabaho bilang beautician sa Dammam Qatif, Saudi Arabia at nagtutulungan silang mag asawa para mapagaral ang tatlo nilang anak sa Pilipinas na dalawang elementary at isang high school.
Masaya ring ibinahagi ni Florence na nagpapasalamat siya na kasama niya ang kanyang asawa na isang family driver sa Saudi at nakaka raket pa sila para dagdag kita tulad ng pagiging hair and makeup model, volunteer sa clean up drive ng Philippine embassy for Saudi Government, nag bebenta online ng mga beauty products, damit, at kung ano ano pa.
“Pag my offer na raket sa madaling araw ay pupuntahan ko hanggang umaga walang pahinga. Idlip lng sa umaga papasok ulit sa trabaho kapag my schedule din ang org tulad ng clean up drive, maikling tulog lang umagang umaga ay pupuntahan din nmin. After clean up drive dretso s trabaho at minsan marshal din kami sa embassy sa umaga. After sa embassy diretso sa trabaho. Rumaraket din online seller, ng popost lang sa ibat ibang group after work or day off idedeliver ko sa kanila ang order nila or pabili nila. Lahat ng raket offer ginagrab ko basta hindi masama ,” kwento ni Florence sa Kami.
Kaya naman nakapundar ang mag asawa ng sariling bahay at lupa sa Pilipinas na noon ay nangungupahan lang. Pero sa mga masasayang litrato ng mag asawa ay may lungkot pa rin na nadarama dahil hindi nila kapiling ang mga anak.
“Mahirap na masaya at malaking sakripisyo dahil hindi madaling rumaket sa dayuhang bansa. Malaking sakripisyo dahil malalayo ka sa pamilya at mga anak, maliliit pa mga anak namin ng iniwan namin. Reality na sa picture ay parang wala lang, pero sa likod noon ang hirap at lungkot after duty sa gabi. Hirap, lungkot at pagod ay hindi iindahin para sa pangarap,” dagdag kwento ni Florence sa Kami.
Photo by Florence Simangan (Facebook)