12/02/2024
Client: Magkano po ang patitle?
Ans: Walang standard price po ang title transfer, it will depend sa total price ng inyong biniling property at sa tinatawag nating fair market value (market value at zonal value). Magsisimula sa notary of DOAS (Deed of absolute sale), 1-4% of the total. selling price ang maaaring bayaran sa atty. Minsan nakakadiscount lalo kapag kilala. Sa BIR naman, 6% para sa Capital Gains Tax na tumatagal lamang ng 1 buwan mula sa pagkakanotaryo ng inyong DOAS at 1.5% para sa documentary stamp tax na 'due' sa tuwing ika5th ng buwan. Kaya, maging aware sa araw ng kailan na notarize ang inyong DOAS at siguraduhing makokompleto ang inyong mga requirements bago ang takdang araw ng pagbabayad ng mga fees na ito, kung hindi, maaari kayong magkapenalty sa BIR. Sunod po nito ang ilang mga bayarin na nagrerange from 1-2% ng total price mula sa transfer tax hanggang sa registration fee. Bukod pa dito ay maraming legal documentations ang kinakailangan kompletuhin bago ang lahat maproseso. Kung agricultural land naman ay kailangan nyo rin dumaan sa Department of Agrarian Reform para sa clearance, at may documents din silang required para makakiha kayo ng clearance at may kaukulang bayad din.
Paalala: Ang proseso at presyo ay nakadepende sa status ng inyong mga titulo na itatransfer. Walang standard price, hindi fixed ang price. Hindi rin smooth ang proseso nito, sa bawat department na iyong pupuntahan, iba ibang level of patience, time and effort din ang kailangan mong I endure para malampasan ang mga ito. Kaya naman, sa mga magpapatransfer, gudlak! 😁