26/02/2021
"IBINAON KO NA SA LIMOT"
By: Danhil Fillip L. Ceriola Jr.
Paano ba?
paano ba ang buhay kung wala ka?
yan ang tanong ko nung lumisan ka.
yan ang nasa isip ko ng iniwan mo akong nag iisa.
nag iisa, habang iniisip ko na masaya kana ulit sa piling niya.
araw araw nalang akong napapaluha,
dahil araw2 ko ring nagugunita,
mga masasayang alaala na tayo lang dalawa,
tayo na mga estranghero lang sa umpisa.
ang hirap maka limot sa taong minsan lang naging sayo,
pero mas mahirap kung hindi man lang naging kayo.
tinalikuran ko ang lahat para sayo,
ngunit kulang parin at hindi ko siya kayang palitan jan sa puso mo.
pinilit kong kalimutan ka,
pero hindi ko alam kung saan mag uumpisa,
habang naalala ko ang araw nung tayo ay masaya pa,
tila may kirot sa puso ko na nagpapaluha ng aking mga mata.
ilang taon narin ang nakalipas,
hinding hindi parin kumukupas,
oh aking sinta sana ay iyo pang naaalala,
ang sabi ko sayo nung lumisan ka,
dalawang salita na may siyam na letra,mahal kita!
hanggang ngayon sa puso ko ikaw parin at wala ng iba.
nasayang lahat ng sakripisyo ko,
akala ko masaya na hanggang sa dulo.
nagkamali ako na isipin na magiging akin ang isang tulad mo,
nananag-inip lang pala na dilat ang mga mata ko.
nasayang lang ang luha na ibinuhos nitong mata ko,
kahit anong gawin ko hinding hindi ko makukuha ang matamis mong OO,
masakit! sobrang masakit!
parang ang puso ko sinasaksak ng paulit ulit,
kapag naaalala ko nung tayo pa ay masaya,
masaya, nung tayo pa ay magkasama.
pero ngayon ibinaon ko na sa limot ang masasayang ala ala,
dahl nasasaktan lang ako pag naiisip kita,
mahirap man sa ngayon,
bukas makalawa, makakalmtan ko rin na minsan tayong nagkakilala.