15/04/2025
๐ Matagumpay na Pagtatapos ng Unang Batch ng SHS ALS Learners ng Ceriaco A. Abes Memorial National High School ๐
Isang makasaysayang araw ng tagumpay at pag-asa! Taos-pusong pagbati sa 26 na Senior High School ALS learners na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang paglalakbay sa edukasyon. Saludo kami sa inyong tibay, tiyaga, at dedikasyon!
Lubos din ang aming pasasalamat sa butihing Punongg**o Sir Martiniano D. Buising sa walang-sawang suporta, at sa mga g**o ng SHS Department na naging tulay at gabay upang mas mapalapit ang mga ALS learners sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
โMay mga panahong tila sabay-sabay nang sumuko ang aking katawan, utak, bulsa, at emosyon, pero muli, dahil may pangarap, nagpatuloy ako. At nagbunga lahat ng ito dahil sa huli, hindi ko man pinili ang aking sarili, Siya ang pumili at naghanda ng magandang regalo para sa akin.โ -Sir Christian Albert B. Paskil, LPT.
Isang patunay na sa kabila ng lahat ng hamon, basta't may pangarap at pananampalataya, makakamit ang tagumpay sa tamang panahon.
๐โจ Padayon, ALS-SHS graduates! Ito pa lamang ang simula ng mas makulay at mas matagumpay ninyong paglalakbay! โค๏ธ๐๐