30/07/2021
Just sharing someone's post!
Nangyari talaga ito sa Mundo Ng Real Estate.
KILALANIN NAMAN PO NATIN ANG MGA "PAASA BUYER" NA NEVER BUMILI PAGKATAPOS NG TRIPPING:
1.) Si TATA, stands for TATAwag na lang pag may disisyon na. Kainip!
2.) Si BABA, stands for BABAlik na lang pag buo na ang pera. Tagal mabuo ha!
3.) Si BAL, stands for BALIK-bayan na BALIK agad sa Amerika at pagbalik na lang daw bibili. (tumataginting na 2 years ang kontrata)
4.) Si HANA, stands for HANApan mo'ko ng property... Naipakita mo ng lahat wala pa ring nagustuhan. Anggastos!
5.) Si MYSTY, stands for MYSTERIOUS, never nagpakita, si trustee lang ang inutusan. VIP!
6.) Si MAKI at TURIS, magpinsan yan, stands for MAKIkisakay lang sa kotse mo parang TURISta at maghahanap kunwari ng lote sa Tagaytay. Buti nanlibre naman ng lunch, bulalo!
7.) Si ASHMA, stands for ASHMAYwife, kung magustuhan ng misis babayaran ko agad. Di cguro nagustuhan kasi di na ma-reach?
8.) Si ALI, stands for ALIbi, lahat na lang ng mai-comment sa property sasabihin n'ya. Hard to convince ang lolo!
9.) Si MAY-MAY, stands for MAY nabili na kami. Yon pala kasama ibang agent nag-iikot pa rin.
10.) Si MAKU, stands for MAKUnat, kalahati agad ang tawad. Angliit ng tsansa na makipag-meet half-way ito. Take it or leave it ang banta.
11.) Si CHIQUE, chinese ito, stands for "CHIQUE usap lang tayo ha?", sabay layas at naglaho na for life.
Well, sila na yon, part of people na mami-meet natin bago ang TOTOONG BUYER.
Note: Never give up coz Quitter Never Wins. Para ito sa mga Newbies sa Mundo ng Real Estate Selling.
Ctto