29/11/2025
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=685573397958547&id=100095176782368
Inilunsad ng Valenzuela City LGU, sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, ang "Trash to Cashback: May Balik sa Basura" program, sa pakikipagtulungan ng Basic Environmental Systems and Technologies, Inc. (BEST), na layong isulong ang tamang waste management at environmental responsibility sa mga kababayan natin doon.
Dahil sa mabilis na pagdami ng populasyon at pagtaas ng waste generation, patuloy na naghahanap ng mga solusyon si Mayor Gatchalian upang maiwasan ang sobrang karga sa waste landfill.
Ang reward-based system na ito ay naghihikayat sa mga residente na mag-segregate at mag-recycle sa kanilang mga tahanan. Ang mga recyclables tulad ng single-use plastics, metals, papers, glass, at electronic waste ay may katumbas na Environmental Points na maaaring ipambayad o ipalit sa mga redeemable rewards.