10/07/2026
Sa ilalim ng Expanded Pambanansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH), patuloy ang inisyatibo ng PAG-IBIG na gawing mas abot-kaya ang pagkakaroon ng sariling bahay ang mga Pilipino sa pamamagitan ng 3 percent subsidized rate sa mga eligible socialized housing borrowers, at pagpapatuloy ng promotional rates na umaabot mula 4.5 percent at 5.75 percent para sa low-cost to open-market homes at mas mataas na maximum housing loan na umaabot ng โฑ10 million.
Para sa mga eligble socialized housing borrowers, maaaring mag-avail ng subsidized 3 percent rate kabilang ang house and lot na nagkakahalaga ng โฑ950,000, kung saan papatak lamang sa โฑ4,005 ang buwanang hulog o amortization.
Samantala, para naman sa mga kwalipikadong miyembro na nagnanais ng low-cost housing ay may nakalaan na 4.5 percent promo rate para sa low-cost housing loans na lampas sa socialized threshold na lampas sa โฑ4.9 million.Mayroon namang 5.75 percent promo rate para sa mga loans na nagkakahalaga ng higit โฑ4.9 million hanggang โฑ10 million.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ang mga promo rate na ito ay tumutugon sa mas malawak na merkado,mula sa mga minimum-wage earners hanggang sa mga middle-income workers sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga buwanang bayarin na abot-kaya ng bulsa.