22/11/2024
Breadwinner’s
Saludo sa mga bata pa pero tinataguyud na ang pamilya, tipong pati pag-aaral napapahinga’ para lang kumita ng pera. Ang masakit pa hindi kana binigyan ng halaga. Mga magulang na pinatong na sayo ang obligasyon nila. Napakahirap saan ako kukuha ng lakas para mag pa tuloy pa? Saan ako kukuha ng lakas para bumangon pa? Ma, pa, saan ngaba? Satuwing uuwi ako ng tahanan ang bungad pa sayo ay,”may kinita ka” kabikabilang hingi ng kailangan nila. Pag dika naka pag bigay wala kanang kwenta. Pano ako ma, pa,? laging tanong sa isip na hindi naman masambit sakanila. Eh kung iwan kona kaya sila? laging laman ng isip na hindi naman magawa, dahil alam mong may mga kapatid kapa nasayo umaasa, para akong naka lubog sa dagat, nadimakaahon dahil naka kadena ang paa. Gusto ko sumaya.. hindi ko man lang na enjoy ang pag lalaro sa kalsada, dahil musmos palamang kay langan ng kumita ng pera. Okay na sana ang unting papuri na galing sa kanila. Pang pawala lang ng pagod at hirap na dama
Bata pa ako. Gusto kopa mag aral gaya ng iba
Gusto ko ng pag mamahal galing sa aking amat ina, na hindi man lang nila nagawa, kunin mona kaya ang bigay mong buhay O ama, sapag kat hindi kona kinakaya, laging pumaPasok sa utak ko. pero may hadlang na nag sasabing may mga kapatid kapa.