09/08/2026
π£π₯ππ¬ ππ’π₯ π§ππ π£πππππ£π£ππ‘ππ¦
Dakilang Diyos Ama, Ikaw po ang may likha ng langit at lupa. Kinikilala po namin ang Iyong kapangyarihan at kadakilaan. Inilalapit po namin ang aming bansang Pilipinas na dumaranas ngayon nang hagupit ng Bagyong Maymay. Sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan at hangin, lumalapit po kami sa Iyo nang may buong pagtitiwala. Ingatan Mo po ang bawat pamilyang nasa apektadong lugar. Ilayo Mo sila sa panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa, at pagkalooban Mo sila ng kaligtasan, lakas, at pag-asa.
Bigyan Mo rin po ng karunungan at proteksyon ang lahat ng mga rescuer, frontliner, at mga opisyal na tumutulong sa oras ng sakuna. Nawa'y maranasan ng bawat isa ang Iyong presensya, kapayapaan, at pag-iingat sa gitna ng unos. Salamat po sa Iyong awa at habag. Sa pangalan ni Hesus, aming Panginoon. Amen.