04/05/2026
Inanunsyo ni Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes ang nalalapit na groundbreaking ng bagong sangay ng Philippine General Hospital sa Carmona, Cavite.
Ayon sa Pangulo, isasagawa ang groundbreaking ngayong buwan ng Mayo, at inaasahang magkakaroon ito ng kapasidad na 200 k**a para sa mga pasyente.
“Mayroon tayong bubuksan na branch ng PGH na 200 beds. Mag-groundbreaking daw kami itong Mayo na ito, isang PGH na hospital sa Carmona,” pahayag ni Marcos.
Ibinahagi niya ang anunsyo sa ginanap na “Bawat Barangay Makikinabang” event sa General Trias, kung saan namahagi rin siya ng bigas at tulong pinansyal sa mga residente ng lalawigan.
Matatandaang ang pangunahing ospital ng PGH ay matatagpuan sa Taft Avenue at kilala sa pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga kapus-palad na pasyenteng hindi kayang magpagamot sa pribadong ospital.
Photo source: Metro Cavite & Beyond