09/09/2024
π€ Para sayo 'to kung may lupa ka!
π₯ Anong ibig sabihin ng nakasulat sa iyong mojon?
π€ Ano ang Mojon / Mohon?
Ang mojon ay isang palatandaan na tumutukoy sa hangganan ng ginawang pagsukat tulad ng lupang pag-aari.
Ang mojon ng PRS92 ay palatandaan na tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng tanda ng pagsusukat ng lupa (geodetic control point) at gagamiting basehan sa mga susunod na pagsu-survey.
Ang tanda ng pagsusukat ay maaring nakapirmi sa di-matinag na bato at iba pang katulad na permanenteng istraktura.