03/02/2026
⭐️NARAMDAMAN MO NABA ITO?!
“Hindi para sa’kin ’tong real estate.”
“Baka hindi talaga ako magaling sa sales.”
“Hindi siguro ito ang calling ko.”
Pero sa totoo lang,
hindi ka tinatamad… HINDI ka lang COMMITTED.
May difference ang INSPIRED sa COMMITTED.
INSPIRED ka kapag may motivation, kapag ganado, kapag madali o kapag may katulong o kasama ka.
COMMITTED ka kapag kahit pagod, tuloy pa rin.
Kahit walang nakatingin.
Kahit walang palakpakan.
Sa likod ng bawat training, bawat meeting, bawat paulit-ulit na proseso,
dito nahuhubog ang tao
hindi sa galing, kundi sa paninindigan.
Ang commitment, hindi nararamdaman.
Pinipili ’yan araw-araw.
At kapag pinili mo ang commitment,
darating ang araw na magugulat ka na lang
kaya mo na pala ang mga bagay na dati mong kinatatakutan.
Hindi ka tinatamad.
Hindi ka kulang.
Hindi ka lang puwedeng half-hearted.
Buong buo, o huwag na lang.
Piliin mong maging committed sa ikagaganda ng buhay mo at ng pamilya mo. Hindi madali maging SALES AGENT REALTY pero WORTH IT! ⭐️❤️