28/07/2025
OFW mula TAIWAN, nakita na ang lote na kanyang pinagsikapang hulugan sa Alfonso Cavite.
Ngayong araw, Hulyo 28, 2025. Lunes. Mula Bayan Luma ,Imus Cavite ay nagtungo sa Matagbak , Alfonso Cavite si Ms. Jeannete, isang OFW mula Taiwan upang makita ang kanyang investment na lupa. Kasama niya ang kanyang ina, ama at pamangkin.
Lubha siyang nasiyahan sa ganda ng lokasyon ng kanyang nabiling lupa. Malamig na klima , may matabang lupang taniman at higit sa lahat, hindi binabaha. Ito ang kanyang unang nabiling property sa kanyang pagsusumikap sa ibang bansa . Ito ay para sa kanyang mga magulang na gusto niyang dito na manirahan sa Alfonso Cavite.
Tunay na kahanga hanga ang mga anak na laging isinasama ang magulang sa kanyang mga pangarap. Kaya din naman siya pinagpapala.
Maraming salamat Ms. Jeannete sa inyong pagtitiwala sa akin bilang inyong property consultant at sa DiamondLand Bright OPC.
Salamat po sa mga biyayang pasalubong.Patuloy kang pagpapalain ng Poong Maykapal.🙏😊