St Anthony Realty, CebuPhils

St Anthony Realty, CebuPhils Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St Anthony Realty, CebuPhils, Real Estate Company, Cebu City.

25/08/2024

EBANGHELYO NGAYON:

Enero 13, 2024. Sabado ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon
o kaya Paggunita kay San Hilario, obispo at pantas ng Simbahan
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

MABUTING BALITA
Marcos 2, 13-17
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, muling pumunta si Hesus sa baybayin ng Lawa ng Galilea. Sinundan siya ng napakaraming tao, at sila’y tinuruan niya. Nagpatuloy siya ng paglakad at nakita niya si Levi na anak ni Alfeo, nakaupo sa paningilan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Sumunod ka sa akin.” Tumindig naman si Levi at sumunod.

Nang si Hesus at ang kanyang mga alagad ay kumakain sa bahay ni Levi, nakisalo sa kanila ang maraming publikano at mga makasalanang sumunod sa kanya. Nakita ito ng ilang eskribang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo at tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit siya sumasalo sa mga publikano at sa mga makasalanan?”

Narinig ito ni Hesus, at siya ay sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit, kundi ang maysakit. Naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga banal.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagninilay:

Isang mapagpalang Sabado po sa ating lahat! Ang Diyos ay tumatanggap ng mga taong makasalanan subalit hindi sila nananatiling mga makasalanan. Sila ay nagbabago at pinapabago sila ng relasyong ito kay Hesus. Si Levi ay isang taong makasalanan sa mata ng napakaraming tao. Siya ay maniningil ng buwis at isang mandaraya. Sa kabila nito, hindi ganito ang tingin ni Hesus sa kanya kundi isang taong kailangan ng awa at tulong. Tayo rin ay kailangan ng grasya ng Diyos upang magbago. Hindi natin ito kaya ng tayo lamang.
Kung tunay nating mahal ang Diyos, gugustuhin nating magbago para sa Kanya upang ang mga utos Niya ang masunod.

Ang pagsunod sa Kanya at pagtalikod sa mga kasalanan ay isang patunay ng pamumuhay bilang anak ng Diyos. Gagawin natin ang tama, ang mga responsibilidad at kung ano pang kailangang gawin sa ating buhay. Nawa ay maging tulad tayo ni Levi na nagawang iwanan ang dapat, tinalikuran ang dapat para makatugon sa tawag ni Hesus. Ang buhay natin ay masyadong maiksi para aksayahin sa mga bagay na hindi para sa atin. Ang mahalaga lamang ay mamuhay tayo ayon sa plano ng Diyos para sa atin at ito ay laging sa mabuti at hindi sa ikapapamahamak natin. Amen. +

Nawa’y paniwalaan at patuloy nating pagnilayan natin ito. Amen. +

Pagpalain po tayong lahat ng Mapagmahal at Makapangyarihang Diyos, at ipagsanggalang nawa Niya tayo laban sa tukso at masasama ngayon at magpakailanman. Amen. +
Pagninilay ni: F.M.M.J.

Pinagmulan ng Pagbasa: Tagalog Mass Readings © Awit at Papuri Communications

25/08/2024

Hail, holy Queen, Mother of mercy, hail, our life, our sweetness and our hope. To thee do we cry, poor banished children of Eve: to thee do we send up our sighs, mourning and weeping in this vale of tears. Turn then, most gracious Advocate, thine eyes of mercy toward us, and after this our exile, show unto us the blessed fruit of thy womb, Jesus, O merciful, O loving, O sweet Virgin Mary! Amen.❤️

Address

Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St Anthony Realty, CebuPhils posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share