02/02/2025
🏛️ DATING OPISYAL NG FINANCE, KINUWESTIYON ANG PAHAYAG NI MARCOS UKOL SA PHILHEALTH
🔍 Pinuna ng dating Finance Undersecretary Cielo Magno ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa PhilHealth, kasabay ng kanyang pagdududa sa katumpakan ng datos na ginamit ng Pangulo.
📢 Sa isang post sa X (dating Twitter) noong Biyernes, Disyembre 20, diretsong binatikos ni Magno ang sinabi ng Pangulo:
💬 "Ah, PBBM, tumingin ka muna sa tamang data bago ka mag-comment. Mali-mali ang data mo."
📌 Ang komento ni Magno ay kasunod ng naging pahayag ni Marcos sa isang media interview matapos ang Change of Command ng Philippine Air Force (PAF) noong Huwebes, Disyembre 19.
🛡️ Sa nasabing panayam, tiniyak ng Pangulo na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth, sa kabila ng mga isyu sa subsidiya.
✅ "At ito ang guarantee ko, napakasimple lang ng guarantee ko: kahit na subsidy, kahit walang subsidy, kahit anong contribution, all of these issues — hindi mababawasan ang serbisyo ng PhilHealth," ani Marcos, sabay pangakong palalawakin pa ang serbisyo at insurance claim payouts sa 2025.
👀 Buwelta naman ng Pangulo sa mga bumabatikos sa PhilHealth subsidy:
📖 "Sana naman 'yung mga nagko-comment tungkol sa PhilHealth subsidy, pagaralan ninyo nang mas malalim at tingnan naman ninyo.
📌 Credit: iMPACT Leadership