12/06/2026
Happy Independence Day, Pilipinas!! May God bless our Leaders and all Filipinos all over the world!
Sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan, ginugunita natin ang tapang at pagkakaisang nagbigay-daan sa kalayaan ng sambayanang Pilipino. π΅π
Kasabay ng pag-alala sa kahalagahan nito, kinikilala rin natin ang kalayaang mangarap, umunlad, at maghanda para sa kinabukasan.
Kaisa ng bawat Pilipino, patuloy na nagbibigay ang Pag-IBIG Fund ng mga oportunidad tungo sa pag-unlad sa pamamagitan ng pag-iipon, abot-kayang pabahay, at accessible na mga serbisyong pinansyal. Sa diwa ng kalayaan, sama-sama nating isulong ang pangarap ng bawat pamilya para sa mas panatag at mas maunlad na bukas. ππ‘
Sa paggunita ng Araw ng Kalayaan, pansamantala pong sarado ang mga Pag-IBIG Fund branches ngayong ika-12 ng Hunyo, 2026.
Mananatili naman pong available ang aming mga serbisyo online, 24/7! I-download o i-update ang pinakabagong version ng Virtual Pag-IBIG Mobile App sa Google Play o Apple App Store. Sa web, pumunta lamang sa www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig
Mananatiling bukas din ang aming contact channels:
βοΈ Tumawag sa (02) 8-724-4244
π§ Mag-email sa [email protected]
π¬ Mag-chat sa www.pagibigfund.gov.ph