06/08/2026
LATE PAYMENT PENALTY: EXTRA INCOME o Para Hikayatin ang Tamang Pagbabayad?🤔
Isa sa mga pinakamahalagang probisyon sa isang Contract of Lease ay ang Late Payment Penalty.
Maraming nagtatanong:
"Additional income lang ba ito ng landlord/lessor?"
📢HINDIIIIIIIIIIII!!!!!!!! NOOOOOOO!!!!! PERIOD!
Ang tunay na layunin ng late payment penalty ay:
âś… Hikayatin ang tenant na magbayad sa takdang oras.
âś… Mabawasan ang paulit-ulit na delayed payments.
âś… Mabayaran ng Lndlord/Lessor ang kanyang sariling obligasyon tulad ng amortization, buwis, utilities, maintenance, at iba pa.
âś… Mabigyan ng patas na kabayaran ang Landlord/Lessor sa abala at epekto ng pagkaantala ng bayad.
Sa madaling salita, ang pinakamagandang penalty ay iyong hindi naipapataw dahil on time ang pagbabayad ng tenant.
Magkano ang makatuwirang penalty?
Sa residential leasing, karaniwang ginagamit ang:
👉3% hanggang 10% ng overdue rental bawat buwan ng pagkaantala, o
👉0.10% hanggang 0.20% kada araw, depende sa napagkasunduan sa kontrata.
Mas mainam na malinaw sa kontrata kung ang penalty ay:
✔️ Simple penalty – kinakalkula lamang batay sa principal na overdue rent; o
✔️ Compounded monthly – ang naipong penalty ay isinasama sa outstanding balance kung nananatiling hindi nababayaran, kung malinaw itong napagkasunduan sa Contract of Lease.
👉Sa praktikal na residential leasing, mas inirerekomenda ang simple monthly penalty na 5% ng overdue amount para sa bawat buwan ng pagkaantala, dahil ito ay mas madaling unawain, madaling kwentahin, at mas mababa ang posibilidad na pagmulan ng hindi pagkakaunawaan.
📌 Tip sa mga Landlord/Lessor:
👉Ang penalty ay dapat makatuwiran (reasonable) at malinaw na nakasaad sa Contract of Lease. Ang layunin nito ay disiplina at pagsunod sa kasunduan, hindi ang pagpapataw ng labis na pasanin sa tenant.
🤝 Ang isang maayos na kontrata ay nagtataguyod ng patas na relasyon sa pagitan ng landlord at tenant—kung saan alam ng bawat isa ang kanilang mga karapatan at obligasyon.