17/12/2020
MAHAL! PAG WALA NA AKO.. SANA WAG KANG TUMIGIL MAG MAHAL!!
by: GHEN
(PART-1)
Ako si christine. 20 years old, tubong pampangga. Intramurals namin sa school noong una kong mameet si andrei.(Unang boyfriend ko)
Dumalo siya sa amin, galing pa siyang nueva ecija para lang panoorin ako sa aking laro sa volleyball. First time ko siyang mameet sa personal. Dati-rati kase, sa video call lang kami nag kikita. Gwapo siya, medeyo matangkad, moreno, at may dimples sa magkabilang pisngi. Ang kyut niyang ngumiti grabe, nakaka inlove.
Nasa likod ako ng court noon para uminom, ng may tumapik sa likod ko. Tumingin ako ng dahan dahan at nakita ko si andrei. Nakangiti siya sabay sabing "ang galing mo naman, nakaka proud"
halos matunaw na ako sa aking kinalalagyan nong oras na yun. Parang gusto ko siyang yakapin pero bawal. Nabasag lang ang katahimikan ko noong inabutan niya ako ng towel upang pamunas sa naguunahan kung pawis na puma-palagapak sa kinatatayuan ko.
Pagtapos kung pinunasan ang aking pawis ay agad akong tinawag ni coach dahil mag uumpisa nanaman ang susunod na laro. Agad namang sumunod sa akin si andrei at umupo sa dati niyang pwesto upang panoorin ulit ako,
At nong matapos na ang laro, sinalubong niya agad ako at niyakap, sabay sabing YES! ANG GALING NAMAN NG FUTURE ASAWA KO". Natulala lang ako sabay sabi sa sarili ko na OO NAMAN ASAWA KO!!!!
11 months na kami ni andrei. Mag fifirst aniversary na kami sa susunod na buwan. At hanggang ngayon, masasabi kong inlove na inlove parin kami sa isat-isa. Ang sweet niyang boyfriend as-in, wala ka ng hahanapin pa sa kanya.
Then one time, habang naglalakad kami ni esang (bff ko) sa mall upang bumili ng regalo ko para kay andrei, nakita ko siya! Umiwas ako sa kanya dahil ayokong mag pakita. Kase iniisip ko na baka nandon rin siya upang bumili ng regalo niya para sakin. Ayoko namang makita kung ano ang i gigift niya sakin dba!
Nakabili na ako ng regalo para sa kanya, SPECIAL! Kase gusto ko maging masaya siya sa 1st aniverssary namin.
Papunta na sana kami ni essang sa cashier ng nahagilap ko ulit siya sa bilihan ng mga milk and diappers. At bukod sa kanyang kinatatayuan, ay napansin ko rin ang kanyang mga bitbit na dede at kulambo ng isang bagong silang na bata.
di na ako nag atubili pang lumapit sa kanya at tanungin kung para saan ba yung binibili niya.
Nagulat siya nong kinausap ko siya, para bang natataranta.
Ngunit napanatag ako sa sagot niya na para sa kanyang pamangkin ang binibili niya!
Tinulungan ko pa siyang pumili kong ano ang mas maganda para sa pamangkin niya...
Habang pumipili kami, napansin niya ang bitbit ko.
nga pala ano yang biit mo ? Tanong niya sakin!
Ah ito... Regalo ko to sayo sa 1st anniversary natin, agad ko namang sagot....
- ah oo nga pala noh anniversarry na pala natin sa susunod na araw, muntik ko ng makalimutan. Tugon niya.
-sus kunyari kapa.. Pabiro k0 namang sinabi.
September 17 araw na iyon ng aming aniversarry..
Handa na ang lahat. Na invite ko na lahat ng mga friends namin na sumuporta sa relation namin ni andrei.
All set na, mga background music, pagkain, inumin, ilaw at syempre hindi mawawala ang mga pictures namin together na nakasabit sa taas at nakadikit sa mga tela.
8:30 pm ang call time. Dapat nandon na kaming lahat sa nasabing oras. Ngunit 8:40 na ! Wala parin si andrei. Inisip nalang namin. Cguro na traffic lang yun..
Lumalalim na ang gabi ngunit wala parin siya. Tinatawagan ko na siya pero di niya sinasagot..
Unti-unti ng nag sisi-uwian ang mga barkada namin ! Dahil alas 12:00 na ng madaling araw ngunit wala parin siya !
Napapahiya na ako sa mga taong inimbitahan ko.
Ala-una na ng madaling araw, kami nalang ni essang ang nandon sa venue ng aming anniverasry. Pinipilit ako ni essang na umuwi muna, at magpahinga pero tinatanggihan ko ... Dahil umaasa ako na darating si andrei upang ganapin namin ang 1st anniversary namin, kahit dalawa nalang kami.
2 o clock na ng umaga, pero ni anino ni andrei wala parin akong nakikita. Umuwi na rin si essang dhil tinawagan na ito ng mommy niya.
Like for part 2!!