13/11/2024
Isa sa mga itinuro ni Bro. Eli sa Pasalamat dati,
BASAHIN MO NG BUO KAPATID.
“Kailangan tayong magpatuloy, huwag tayong aatras, mga kapatid kung nagkakasala kayo, wag kayong umatras, magsisi kayo at tayo ay humingi ng tawad sa Dios, bakasakali na maawa ang Dios sa atin, yung pong diwa ng pagbabakasakali ay nagbibigay ng pagasa dun sa mga taong hinahatulan na nila ang kanilang sarili, huwag kayong magtuloy na hatulan ang sarili niyo, magbakasakali kayo magtuloy kayo. Kung halimbawa madapa kayo, nahinto kayo, magbakasakali kayo, huwag kayong lalaban sa aral, alam n'yo naman ang aral na tinanggap niyo ay totoo, huwag kayong magpatiwakal.”
“Kaya kung may nakakaramdam sa atin na parang hinahatulan mo na yung sarili parang gusto mo ng umatras, tandaan n'yo galing kay Satanas yung damdamin na yun, na aatras kana para sa kanya kana. Mas mabuting ilagay natin ang kapalaran natin sa Dios, huwag mong hatulan ang sarili mo, bayaan mo na lang ang Dios ang humatol sa'yo magbakasali ka kapatid, tuloy lang.”