24/10/2026
SEN. B**G GO, PERSONAL NA NAMAHAGI NG TULONG SA 500 BARANGAY WORKERS SA LUPON, DAVAO ORIENTAL
LUPON, DAVAO ORIENTAL — Personal na nagtungo si Senador Christopher “Bong” Go sa bayan ng Lupon, Davao Oriental, nitong Biyernes, Oktubre 23, 2026, upang mamahagi ng tulong sa 500 barangay workers.
Kasama ang kaniyang Malasakit Team, namahagi ang senador ng pinansiyal na ayuda, mga grocery pack, T-shirt, bitamina at mga bola bilang bahagi ng pagtulong sa mga manggagawang nagsisilbi sa kani-kanilang komunidad.
Nagkaroon din ng raffle kung saan ilang benepisyaryo ang pinalad na makatanggap ng karagdagang premyo gaya ng sapatos, relo, bisikleta at cellphone.
Sa naturang aktibidad, pinasalamatan ni Go ang mga barangay worker sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusan, pagtugon sa pangangailangan ng mga residente at paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa antas ng komunidad.
Kinikilala ang mga barangay worker bilang mahalagang katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programa at sa direktang paglilingkod sa mga mamamayan.
ZLIVE NEWS | COTABATO CITY