05/07/2026
❗️Ano ang ibig sabihin ng annotations sa title? Safe ba o headache?
Annotations ay mga legal entries sa likod ng title. Hindi lahat ng annotation ay bad but may ilan na kailangan talagang iwasan.
🟢 Usually SAFE (depende pa rin sa details)
✅ Cancellation of Mortgage / Release of Mortgage
- Ibig sabihin, nabayaran na ang loan at na-release na ang mortgage.
✅ Lifted Lis Pendens / Cancelled Adverse Claim
- May naging issue noon, pero officially na-cancel na.
✅ Right of Way Easement
- Karaniwan lang ito, pero basahin pa rin kung gaano kalaki ang affected area.
🟡 Yellow Flag
⚠️ Real Estate Mortgage (REM)
- Hindi automatic red flag.
- Alamin kung bayad na o active pa ang loan.
⚠️ Lease Contract
- Safe kung alam mo ang terms.
- Pero maaaring hindi agad magamit ang property hanggang matapos ang lease.
⚠️ Restriction under CLOA/CARP
- May special rules sa transfer.
- I-check muna sa DAR kung transferable na.
🔴 Possible Headache (depende sa case)
🚩 Lis Pendens
- May pending court case tungkol sa property.
🚩 Adverse Claim
- May ibang taong nagsasabing may karapatan sila sa property.
🚩 Notice of Levy
- May unpaid obligation (taxes, utang, etc.) at maaaring ma-auction ang property.
🚩 Notice of Attachment
- Property is subject to a court order because of an ongoing case.
🚩 Notice of Levy on Ex*****on
- May final judgment na at ginagamit ang property para mabayaran ang utang.
🚩 Notice of Tax Delinquency
- May hindi nabayarang Real Property Tax na maaaring humantong sa tax delinquency sale.
🚩 Notice of Pending Reconstitution
- Dapat i-check mabuti dahil may ongoing issue sa title records.
IN CONCLUSION:
Hindi ibig sabihin na may annotation ay bawal na bilhin ang property.
YOU SHOULD ASK:
“Ano ang epekto ng annotation sa ownership at transferability ng property?”
May annotations na simpleng record lang. May iba naman na puwedeng makaantala o makakadelay sa bentahan at transfer.
📌 Paalala: Basic information lang po ito, hindi legal advice. Huwag lang tingnan kung may annotation, basahin kung ano mismo ang nakalagay at ipacheck sa Lawyer with guidance of a Broker sa bentahan. May mga annotations na normal lang, habang may iba na maaaring makaapekto sa ownership o transfer ng property.