Camarines Norte News Bureau

Camarines Norte News Bureau Community News | Public Information | Camarines Norte-Bicol Region
Independent • Timely • Accurate

𝗞𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔—𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗢𝗠𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘DAET, CAMARINES NORTE — Inirekomenda ...
15/09/2026

𝗞𝗥𝗜𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗟𝗨𝗠𝗔𝗟𝗔—𝗣𝗗𝗥𝗥𝗠𝗖 𝗜𝗡𝗜𝗥𝗘𝗞𝗢𝗠𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗘𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘

DAET, CAMARINES NORTE — Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa Sangguniang Panlalawigan ang pagdedeklara sa buong lalawigan ng Camarines Norte sa ilalim ng State of Calamity dahil sa patuloy na krisis sa suplay ng tubig at epekto ng El Niño phenomenon.

Batay sa Resolution No. 9, s. 2026, na pinagtibay noong Setyembre 14, 2026, isinagawa ang rekomendasyon matapos talakayin ng PDRRMC ang malawakang kakulangan sa suplay ng maiinom na tubig sa ilang bahagi ng lalawigan.

Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity ang San Vicente dahil sa water shortage na nakaapekto sa 1,312 pamilya o 5,904 katao. Nagdeklara rin ng State of Calamity ang San Lorenzo Ruiz dahil sa malawakang kakulangan ng potable water na nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay, kabuhayan at sanitation.

Ayon sa resolusyon, kabilang din sa mga lugar na nakararanas ng krisis sa tubig ang Daet at Mercedes, habang may mga ulat ding natatanggap hinggil sa kaparehong problema sa iba pang mga bayan sa lalawigan.

Samantala, iniulat ng Provincial Agriculturist Office na 29% lamang ng rice production area sa Camarines Norte ang nakapagtanim ngayong season, na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa produksiyon ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka sa mga susunod na buwan.

Iniulat naman ng Provincial Health Office ang 431 kaso ng dengue mula Enero hanggang Setyembre 14, 2026. Ayon sa resolusyon, maaaring lumala ang sitwasyon dahil sa mga gawi sa pagtatago ng tubig sa ilang komunidad.

Iginiit din sa resolusyon na kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Irrigation Administration (NIA) ang mababang lebel ng tubig sa kanilang mga ulat.

Mahalagang paglilinaw: Ang dokumentong inilabas ng PDRRMC ay rekomendasyon pa lamang sa Sangguniang Panlalawigan. Ang pinal na deklarasyon ng buong Camarines Norte bilang nasa State of Calamity ay nakasalalay pa sa aksyon ng Sangguniang Panlalawigan.

𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡Iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DI...
14/09/2026

𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗠𝗨𝗡𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang posibleng paghahati ng ilang lalawigan sa magkakahiwalay na command centers upang mapabilis ang serbisyo, koordinasyon at pagtugon ng pamahalaan.

Kabilang sa mga mungkahing grouping ang Cavite at Palawan na maaaring tawaging “PALACA”; Batangas, Laguna, Mindoro at Rizal bilang “BATLAMIR”; at Quezon, Marinduque at Romblon bilang “QUEMARO.”

Nilinaw na ang PALACA, BATLAMIR at QUEMARO ay mga mungkahi pa lamang na pangalan at hindi pa opisyal na pangalan ng anumang bagong rehiyon o command center.

𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝟭𝟮% 𝗩𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗢𝗪𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗟𝗢𝗦𝗦 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗚𝗘Inalis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 12% Value-Added Tax (...
14/09/2026

𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗥𝗜𝗡𝗚 𝟭𝟮% 𝗩𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗟𝗢𝗪𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠 𝗟𝗢𝗦𝗦 𝗖𝗛𝗔𝗥𝗚𝗘

Inalis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 12% Value-Added Tax (VAT) sa allowable system loss charge na bahagi ng singil sa kuryente, batay sa Revenue Memorandum Circular No. 97-2026.

Ayon sa BIR, hindi na isasama sa gross sales para sa VAT purposes ang system loss charge na pasok sa cap na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Layunin ng hakbang na mabawasan ang karagdagang halagang ipinapasa sa mga consumer sa kanilang buwanang bayarin sa kuryente.

Nagsara sa ₱62.86 ang palitan ng Philippine peso kontra US dollar ngayong Lunes, Setyembre 14, 2026, ayon sa Bankers Ass...
14/09/2026

Nagsara sa ₱62.86 ang palitan ng Philippine peso kontra US dollar ngayong Lunes, Setyembre 14, 2026, ayon sa Bankers Association of the Philippines (BAP).

Ipinapakita ng naturang exchange rate na patuloy na mino-monitor ang galaw ng piso laban sa dolyar sa foreign exchange market.

𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 | 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗦𝗢, 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟Isinailalim sa kontrol ng Commission on Elect...
14/09/2026

𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 | 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗦𝗢, 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟

Isinailalim sa kontrol ng Commission on Elections (Comelec) ang Cotabato City at Maluso, Basilan ngayong Lunes, Setyembre 14, kasunod ng mga insidente ng karahasan at mga ulat ng nakompromisong balota sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa Comelec, 36 sa 38 presinto sa Maluso ang naapektuhan ng pre-shaded ballots.

Samantala, apat na katao ang naiulat na nasawi habang 15 iba pa ang sugatan sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Cotabato City.

Patuloy na tinututukan ng Comelec at mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang seguridad at integridad ng halalan.

14/09/2026

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kwalipikadong botante sa BARMM na makilahok sa halalan para sa unang demokratikong halal na Bangsamoro Parliament.

Nanawagan siya na bumoto nang may karunungan, dignidad at respeto sa kapwa, at panatilihin ang integridad at kapayapaan ng halalan.

🙏 MORNING PRAYER | MONDAYBagong araw, bagong biyaya. Nawa’y gabayan, ingatan at pagpalain tayo ng Diyos sa bawat hakbang...
14/09/2026

🙏 MORNING PRAYER | MONDAY

Bagong araw, bagong biyaya. Nawa’y gabayan, ingatan at pagpalain tayo ng Diyos sa bawat hakbang. Amen. 🙏

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝟮 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬Isang indibidwal ang sugatan sa dalawang magkahiwalay...
13/09/2026

𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝟮 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗛𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isang indibidwal ang sugatan sa dalawang magkahiwalay na pagsabog na naitala ngayong gabi sa Cotabato City, ilang oras bago ang nakatakdang BARMM Parliamentary Elections.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga awtoridad, unang naganap ang pagsabog sa Purok Amirol, Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City, kung saan isang indibidwal ang nasugatan.

Makalipas ang ilang minuto, isa pang pagsabog ang naitala sa Datu Udtog Matalam, Malagapas, Barangay Rosary Heights 10, dakong alas-8:10 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng dalawang insidente, gayundin ang uri ng pampasabog na ginamit at kung may kaugnayan ang mga ito sa isa’t isa.

𝗡𝗘𝗪 𝗗𝗔𝗘𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗘, 𝗣𝟮𝟬 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝟮 𝗞𝗠; 𝗣𝟭𝟱 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥, 𝗣𝗪𝗗 𝗔𝗧 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗘𝗦Itinakda ng Pamahalaang Bay...
13/09/2026

𝗡𝗘𝗪 𝗗𝗔𝗘𝗧 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗘, 𝗣𝟮𝟬 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝟮 𝗞𝗠; 𝗣𝟭𝟱 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥, 𝗣𝗪𝗗 𝗔𝗧 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗘𝗦

Itinakda ng Pamahalaang Bayan ng Daet, sa pamamagitan ng Tricycle Regulatory Board (TRB) at Tricycle Regulatory Unit (TRU), ang pamasahe sa mga tricycle sa bayan.

Ayon sa inilabas na fare guide, ₱20 ang regular na pamasahe para sa unang dalawang kilometro, habang ₱2 ang dagdag sa bawat kilometrong lalampas sa unang dalawang kilometro.

Para naman sa senior citizen, PWD at estudyante, nakatakda sa ₱15 ang pamasahe sa unang dalawang kilometro at ₱1 sa bawat karagdagang kilometro.

Pinaalalahanan din ang mga driver na bawal maningil nang higit sa itinakdang pamasahe. Ang paglabag o overcharging ay may ₱500 penalty, habang ₱300 penalty naman ang ipapataw sa tricycle na walang nakalagay na taripa.

Nakasaad sa abiso na ang mga naturang panuntunan ay batay sa Municipal Ordinance No. 290-2015.

Para sa reklamo hinggil sa pamasahe o iba pang paglabag, maaaring makipag-ugnayan sa Tricycle Regulatory Unit sa 0920 531 4145.

Courtesy: TRB-TRU /LGU Daet

13/09/2026

𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 | 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗡𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗔𝗡, 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isang lalaki ang iniulat na sugatan matapos sumabog ang isang granada sa bahagi ng Amirol Elementary School sa Barangay Mother Kalanganan, Cotabato City, ngayong gabi.

Batay sa inisyal na impormasyon, ang lalaki umano ang may dalang granada nang mangyari ang pagsabog.

Agad siyang dinala sa ospital para sa kaukulang medikal na atensyon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang sanhi at iba pang detalye ng pagsabog.

Address

Daet
4600

Telephone

09352460078

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte News Bureau posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share