15/08/2026
Gusto ko lang mag share 😊
I’m a REB and REA, at eto pala ang pinaka-hindi nakaka-stress na trabaho kapag prinapractice mo nang tama ang profession na ito.✨️
Itatak mo lang lagi sa utak mo na ang goal mo ay makatulong sa mas maraming tao at pamilya na matupad ang kanilang mga pangarap. 🫡
Hindi ka pala mapapagod kapag everyday, genuine ang “THANK YOU” nila sa’yo. At syempre minsan hindi mo ine-expect ang rewards, dahil genuine rin ang pagtulong mo. 🥰🥰
Wala namang nagbago—may commission pa rin at fees. Pero kapag may client ka, siguraduhin mo palagi na YOU ALWAYS GIVE YOUR BEST TO HELP THEM. 🤝
Huwag kang gumawa ng bagay na makikinabang ka ngayon pero may hidden issue pala sa client na malalaman lang niya after how many years.
Now, May mga nakakausap akong clients and nararamdaman kong wala silang pag-aalinlangan sa akin dahil nagtitiwala sila na that I will give them the best service I can. 🫡
And finally, na-realize ko na tama lahat ng sinabi ng prof. ko:
✨️KAILANGAN MO LANG TALAGANG TUMULONG SA MGA TAO NANG TAPAT, at TUTULUNGAN KA NILANG MAKAKUHA NG MAS MARAMING CLIENT.✨️
At the end of the day, hindi lang ito tungkol sa KOMISYON. Tungkol ito sa tiwala na binuo mo, sa mga taong tinutulungan mo, at sa mga PANGARAP NA NAGING PARTE KA. ❤️❤️❤️