16/07/2026
**📖 Munting Paalala sa Lahat ng Pinagkatiwalaan ng Diyos ng Pamumuno at Paglilingkod**
Mga kapatid, ang anumang posisyon o tungkulin sa simbahan at sa ating samahan ay hindi gantimpala o karapatan upang magmataas, kundi isang banal na pananagutan na ipinagkatiwala ng Diyos.
Ang tunay na pinuno ay hindi naghahari sa kanyang mga nasasakupan, kundi nauunang magpakumbaba, makinig, magmahal, at maglingkod. Ang ating mga salita at kilos ang unang nagiging salamin ng ating pananampalataya.
Hindi ito pagpapatama sa sinuman, kundi paalala sa ating lahat—sapagkat tayong lahat ay patuloy na hinuhubog ng Diyos. Huwag nating hayaang manaig ang pride, galit, o pansariling interes. Sa halip, pairalin natin ang pagkakaisa, pagpapatawad, at tunay na diwa ng paglilingkod.
Nawa'y sa bawat tungkuling ating ginagampanan ay maipakita natin ang halimbawa ni **Poong Hesus Nazareno**—mapagkumbaba, masunurin sa Ama, at handang maglingkod at magsakripisyo alang-alang sa iba.
**"Don’t lord it over the people assigned to your care, but lead them by your own good example."**
**— 1 Peter 5:3 (NLT)**
*Ang pinakamataas na pinuno sa mata ng Diyos ay ang taong may pinakamababang puso sa harap ng Kanyang paglilingkod.*