21/05/2020
THINGS TO KNOW WHEN BUYING A HOUSE❣️🏠
✔Budget - magkano ba kaya mo monthly? Kung magkano lang kaya mo doon ka mag umpisa tumingin.
✔Required Monthly Income - Check mo na kaagad kung magkano sweldo mo kase doon lang magbabase kung magkano monthly pwede mo kunin! (pwede combined salary)
✔️Payment Scheme - Depende ito sa developer, may PAG-IBIG, Bank at In-House financing. Consider mo din ang interest ng bawat isa. Pinakamababa ang pagibig na nasa 6.375% per year ang interest.
✔Location - consider mo pa rin budget mo. Kung mura lang siguradong malayo sa manila yan. Consider mo din kung flood-free at walang faultline.
✔Marital Status - laging tandaan ang legalities kapag kasal ka sa papel kahit na hiwalay kayo sa mata ng batas conjugal property pa din ang lahat ng pagmamay-ari ninyo.
✅Common Questions:
☑️ Saan po ba may mura?
✔ Sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Bulacan at iba pa.
☑️May Rent To Own po ba kayo?
✔ wala naman talagang rent to own. Maglalabas ka rin ng pera sa Equity or Downpayment at yung remaining pwede na ma-loan sa PAG-IBIG / Bank at magmomonthly ka na lang kaya parang rent to own ang labas.
☑️May Lipat Agad po ba kayo?
✔ kung kaya mo magbayad ng cash maaring makalipat kaagad.
✔ kung installment hihintayin muna matapos Downpayment, kapag bayad na saka pa lang maprocess sa pagibig na usually 3-6 months (pwede mo bayaran ng cash ang equity para maprocess agad sa pag-ibig.
☑️Kelan pwede makalipat?
✔ kung na release na ng pagibig / bank ang loan mo.
☑️Ano ang Pre-selling?
✔ ibig sabihin nito itatayo palang ang bahay mo usually 18-24 months construction sa mga affordable or low cost housing. Ang maganda nito mura pa ang price ng bahay kasi wala pang development.
☑️Ano nman ang RFO?
✔️ Ang RFO or Ready For Occupancy, meaning nagawa na ang bahay or ginagawa na halos 50%-100% na gawa. Usually, umaabot pa rin ng 3-6 months ang processing bago makalipat.
☑️Ano ang Equity?
✔ ito ay katulad lang ng Downpayment at required mong bayaran immediately after one month ng iyong reservation.
May iba na required na mag-issue ng Post Dated Cheque.
☑️Ano ang Post Dated Cheque o PDC
✔ ito ay isa sa requirement na hinihingi ng developer sa mag-aavail ng bahay. Layunin nito na magkaroon ng hassle free na transaction ang mga kukuha ng bahay. Sa halip na pupunta pa sila ng opisina para mag-over the counter payment, sa banko na lang kung saan sila nag-open ng checking account magdedeposit.
*usually ito ay depende kung ilan buwan mo babayadan ang iyong downpayment o equity.
How to Avail:
1. Join our free tripping everyday
2. Choose a unit after tripping and pay the reservation fee
Initial Requirements:
-2 Valid ID(SSS, Company, TIN, Passport, PRC, etc.)
-One month latest payslip
3. 30 days after reservation the downpayment will start
4. Submit the remaining requirements within 30days from reservation.
(kung RFO ang iyong nakuha, kailangan 7days immediately makapagpasa ka agad ng requirements para sa mas mabilis na proseso)
5. Pagibig processing 3-4mos before the start of Monthly Amortization.
6. Kahit hindi pa tapos ang downpayment o equity, at naapproved na ng pagibig ang iyong loan, magkakaroon na ng sabay na pagbabayad sa downpayment at Amortization sa pagibig.
☑️May iba ka pang tanong? PM is the key! Wag mahiyang magtanong, tulungan kita! 🙂