18/03/2022
Inaasahan ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na masisimulan ang pagpapatakbo ng 11.7-kilometrong Light Railway Transit-1 (LRT-1) Cavite extension sa taong 2024, na makakatulong sa mga manggagawa na papunta ng Maynila o pauwi ng kanilang probinsya.
“We are about almost 70-percent complete now,” pahayag ni LRMC president Juan Alfonso said sa isang press briefing kamakailan.
Matapos makumpleto ang viaduct, sinisimulan na ngayon ng LRMC ang electromechanical upgrade ng riles at ang pag-install iba pang mga bagong riles. Ang civil works sa Cavite extension program ay nagsimula noong Setyembre 2019.
“We hope that we will be done sooner than later. We’re pushing for a 2024 start [of operations] and we look forward to that,” ani Alfonso.
“The new Alstom system allows for trains to be safer and also the headways to be reduced from three and a half minutes to two and a half minutes, so [it will allow] faster and safer journeys,” dagdag pa niya.
Ang naturang LRT-1 extension ay aabot mula sa kasalukuyang Baclaran Station papunta sa magiging Niyog Station sa Bacoor, na magiging dahilan upang lumawig sa 32.4km ang kabuuang istasyon.
Ang extension at upgrade program ng LRT-1 ay tinatayang nagkakahalaga ng P64.91 bilyon, kasama ang P19.83-bilyong official development assistance component
Iminungkahi din ng LRMC ang pagpapatupad contactless payment options para sa railway system. Isang panukala ang isinumite sa Department of Transportation na maglagay ng quick response code payment system para sa mga consumer.
Source: Inquirer