08/08/2023
Nakatakda nang buksan for public use ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa paparating na September.
Ang MPCALA Holdings Inc. (MHI) na subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) ang siyang nangunguna at nangangasiwa sa proyekto.
Ilang taong nadelay ang konstruksyon at pagbubukas ng CALAX dahil sa right-of-way (ROW) issues.
Sa kasalukuyan, malapit nang matapos ang konstruksyon ng daan. Ayon sa report, nasa 91% na ang completion rate ng proyekto.
Susunod sa konstruksyon ang paglalagay ng mga toll facilities pati na rin mga road lights, signages at sound barriers. Kasalukuyan na ring isinasaayos ang magiging toll collection system ng CALAX.
Paguugnayin ng CALAX ang Manila–Cavite Expressway (CAVITEx) sa Kawit, Cavite at South Luzon Expressway (SLEx) sa Biñan, Laguna.
📷: Crown Asia