06/04/2022
Kung nagawa ko, magagawa mo rin🙏
Take time to read, me matututunan ka sa sasabihin ko.👇
Una, tanong ko sayo, anong pangarap mo sa buhay?🙂
Ako bata pa ako, ang pangarap ko e manahin ang bahay namin na nasa tahimik at fresh na lugar, kasi nasa gitna siya ng kabundukan at mga ilog. Kaso malayo siya sa kabihasnan, kaya simula grade school hanggang 2nd year high school, nakitira ako, mula 3rd year high school (2000) hanggang 2018, nag rerent ako - sobrang tagal ko na realize na dapat na pala akong mag pundar kasi ang pangarap ko na tumira sa bahay namin sa gitna ng bundok, malabo na pala😐
Mahirap ang nag rerenta, andyan ung paiba iba ang rate ng tubig, parang mali ang kuryente kapag naka submeter, paalisin kapag nag renovate ng apartment, wala kang magawa na disenyo kasi hindi naman sayo, madaming restrictions, kasi HINDI SAYO.😏
Kahit na napakaraming gastos, kaliwa't kanan, kasabay ung me sakit ang mama ko, kailangan ng pambayad ng kasama sa bahay, bills dito, bills dun, maraming due dates, sinikap ko na maka hanap ng i t tripping online, naka 3 tripping ako, bago ko nahanap ang "The One❤" - my home, what I can call MINE - thank God.
Walang imposible sa taong may pangarap basta alam natin dapat ang priority🙂
Sa lahat ng mga nag inquire sakin, what's holding you back to get your own house?
BUDGET/ PERA - sort of impossible na walang pera, nakakabili tayo ng mamahaling gamit, nakakapag dine out, nakaka order online nakakagala..o baka iniisip mo na hindi mo na mabibili mga luho mo kapag kumuha ka ng bahay?
Ganun talaga, me konting sakripisyo para makuha ang mga pangarap sa buhay.
Hindi masama ang mag enjoy sa buhay at bilhin ang mga luho, pero naisip mo na ba kung ano magiging buhay mo pag wala kang naipundar para sa sarili mo?
Alam mo ba na pataas ng pataas ang value ng bahay at lupa kapag na dedevelop na ang lugar?
Ang suwerte ng mga nauna kong clients kasi nagsimula na silang mag invest sa lupa nila- merong nakalipat na at meron namang ginagawa na ang property nila.🙂
Kaya mag invest ka na habang afford mo pa..
Isa pang tanong: Nag rerent ka ba?
Di ba hindi mo nagagawa lahat ng gusto mo kasi me mga bawal?
Ito pa, pag nawalan ka ng trabaho, puwede ka din mapalayas kasi wala ka ng pambayad😶..di gaya kapag sarili mo, di ka man makapag bayad ng 2 months, sayo pa din ang bahay. At may freedom ka, kung anong color, design, gate, tiles at kung ano pang gusto mong ipa add ons sa bahay mo..puwede kasi SAYO.
Or, ayaw mo muna kumuha kasi gusto mo muna kumuha ng sasakyan?
- tandaan mo na ang pagkakaroon ng sasakyan ay me naka abang na mabigat na gastusin, from monthly amortization, gas, parking, toll and maintenance. Bumababa ang value ng sasakyan kapag nagamit na, unlike ang bahay habang tumatagal, lalong tumataas ang value...
Kaya pag isipang mabuti..😉
Para sa OFW
- may naipundar na din ba kayo? May mauuwian na din ba kayong bahay? Saan napupunta pinaghirapan nyo?
Basic need ang bahay pero hindi naman madali magkaron nito.
Kailangan ng disiplina at higpit sinturon pero worth it para magkaron ng value at me mapuntahan talaga mga pinaghirapan mo.
Hindi naman palaging malakas at palaging maganda ang pangangatawan, darating ang araw kailangan mag retire, kaya habang kaya pa, kumuha ka na, habang afford pa😇
I hope me na realize ka sa mga shinare ko. Hindi madali maging successful, no shortcuts, take 1 step at a time, i overcome ang fear at laging nandyan si Lord para ibigay mga needs natinbut let's do our part..keep on moving forward, wag susuko😇
Tara, usap tayo, tulungan kita ma kuha mo ang bahay mo, simula pag pa pa approve ng housing loan hanggang ma turn over ang bahay, ako ang mag a assist sayo🙂
Schedule your free tripping with me para makita nyo rin in person ang bahay na ino offer ko🙂