17/02/2026
🙏🙏🙏
BREAKING: COL. AUDIE MONGAO, ISASALANG SA GENERAL COURT MARTIAL MATAPOS BAWIIN ANG SUPORTA KAY MARCOS JR.
Kinumpirma ni Lt. Gen. Antonio Nafarrete, Chief ng Philippine Army, na isasailalim na sa General Court Martial si Col. Audie A. Mongao matapos ang kanyang social media post na pagbawi ng suporta sa administrasyon ni Marcos Jr..
Ayon kay Lt. Gen. Nafarrete, sa isinagawang imbestigasyon ay inamin umano ni Mongao ang naturang post, na itinuturing na posibleng paglabag sa Articles of War 63 o Disrespecting the President, Vice President, Congress of the Philippines, or Secretary of National Defense.
Iginiit ni Nafarrete na bahagi ito ng umiiral na proseso at disiplina sa loob ng sandatahang lakas.
“Those are speculations na pinapatahimik natin. He (Mongao) is still part of the organization, so he has to face an investigation for this. It’s a due process.”
Binibigyang-diin ng pamunuan ng Philippine Army na ang hakbang ay alinsunod sa chain of command at sa mga regulasyong sinusunod ng mga aktibong opisyal.
Nauna nang na-relieve sa puwesto si Col. Mongao at inilagay sa attached/unassigned status matapos ang kanyang post kung saan sinabi niya noon:
“He (Marcos Jr.) has lost his moral ascendancy to lead the Armed Forces as Commander in Chief and govern the Filipino people as President of the Republic.”
(“Nawala na ang kanyang moral na awtoridad upang pamunuan ang Sandatahang Lakas bilang Commander in Chief at pamahalaan ang sambayanang Pilipino bilang Pangulo ng Republika.”)
Tinapos niya ang pahayag nya noon sa:
“Sobra na, tama na! The Filipino people is worth fighting for… Mabuhay ang Pilipinas!”
Ang naturang post ang naging batayan ng kasong administratibo at ngayon ay haharap na sa General Court Martial, ang pinakamataas na uri ng paglilitis sa ilalim ng military justice system.