11/02/2026
LOOK | Presidential Communications Office
Libo-libong pamilya sa General Santos City ang magkakaroon ng abot-kayang bahay sa ilalim ng Expanded 4PH Program. π π΅π
Ang 7,430 house-and-lot units ng Deca Homes Gensan 2 ay iaalok sa subsidized loan ng Pag-IBIG, at ang unang batch ay naka-schedule for turnover ngayong Marso.
Libo-libong pamilyang manggagawa sa General Santos City ang magkakaroon ng abot-kaya at disenteng tahanan sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., itatayo ang 7,430 house-and-lot units ng Deca Homes Gensan 2 project na iaalok sa subsidized loan program ng Pag-IBIG Fund, upang maging mas madali ang homeownership para sa low- at middle-income earners.
Nakatakdang i-turnover ngayong Marso ang unang batch ng mga yunit bilang katuparan ng patuloy na paghahatid ng ligtas at maayos na pabahay para sa mga pamilyang Pilipino.
BASAHIN: https://pia.gov.ph/news/7k-4ph-units-to-benefit-gensan-working-class-dhsud/