16/07/2026
Huling Biyahe
Ako'y namamasada para lumaban
Marangal na hanapbuhay ang aking pinanghahawakan.
Bawat baryang aking kinikita,
Para sa pamilya kong umaasa at naghihintay sa aking pag-uwi.
Hindi ako natakot magbanat ng buto,
Upang may maihain sa aming hapag.
Ngunit sa isang iglap,
Tagiliran ko'y iyong sinaksak, at pangarap ko'y tuluyang naglaho.
Ngayon, ang huli kong biyahe
Ay hindi na patungo sa aking tahanan
Kundi sa langit, kung saan wala nang sakit at takot.
Sino na ngayon ang aakay
Sa aking munting anak?
Sino ang yayakap sa kanya
Kapag ako'y tuluyan nang nawala?
Isang buhay ang iyong kinitil,
Isang pamilya ang iniwang lumuluha.
Ang pangarap kong makaahon sa hirap
Ay nauwi na lamang sa isang alaala.
Hindi lahat ng huling biyahe ay nauuwi sa ligtas na pag-uwi.
Pahalagahan natin ang bawat buhay at pairalin ang kapayapaan at malasakit sa kapwa.