25/08/2026
π£DAVAO ECONOMY LUMAGO NG 5.1%, NILAMPASAN ANG 4.4% NATIONAL GROWTH β BSP
Mas mabilis ang naging paglago ng ekonomiya ng Davao Region kumpara sa buong Pilipinas noong 2025 matapos itong makapagtala ng 5.1% growth, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Zeno Ronald Abenoja.
π£Sa kanyang talumpati sa Philippine Economic Briefing sa Davao, sinabi ni Abenoja na nalampasan ng rehiyon ang 4.4% national economic growth noong nakaraang taon.
βLast year, in 2025, the region grew by 5.1 percent, outpacing the national growth rate of 4.4 percent,β ani Abenoja.
π£Hindi lamang bilis ng paglago ang itinampok ng BSP official. Ayon sa kanya, ang Davao ang ika-5 pinakamalaking regional economy sa Pilipinas, tahanan ng ikatlong pinakamalaking agricultural sector at may ika-5 pinakamalaking industry at services sector sa bansa.
βWith strong construction activity and sustained expansion in the financial industry, the region has become a key growth hub in Mindanao,β pahayag niya.
π£Malaki rin umano ang potensyal ng Davao at ng kabuuang Mindanao sa agribusiness, manufacturing, logistics, digital services at renewable energy, habang inaasahang makatutulong din ang mga umuusbong na industriya sa patuloy na paglago ng rehiyon.
π£Gayunman, binigyang-diin ni Abenoja na hindi sapat na mapanatili lamang ang mabilis na paglago. Kailangan din umanong matiyak na magiging inclusive, innovative, future-ready at matatag ang ekonomiya.
βOur task is not only to sustain growth, but to ensure that growth is inclusive, innovative, future-ready, and robust,β ani Abenoja.
π£Ayon sa BSP official, kailangan dito ang patuloy na pagtutulungan ng gobyerno, pribadong sektor, financial institutions at local stakeholders upang makalikha ng trabaho, mapaunlad ang imprastraktura at makahikayat ng mas maraming investment.
π£Sa kabila ng geopolitical tensions, panganib mula sa mataas na global energy prices at iba pang hamon sa pandaigdigang ekonomiya, sinabi ni Abenoja na nananatiling healthy ang economic fundamentals ng Pilipinas at inaasahang lalakas ang paglago sa medium term habang bumubuti ang investment conditions.
Dutertenomics π