03/07/2026
❓ 𝟑 𝐘𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐍𝐚 𝐒𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐍𝐚𝐤𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢 𝐊𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲… 𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐏𝐚 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫𝐫𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐢𝐭𝐥𝐞? 𝐄𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢 .....
Akala mo ba okay na basta naka-notarize na ang Deed of Absolute Sale (DOAS)? 🤔
Sa totoo lang, ang ownership ay nasa original Owner pa din hangga't hindi naililipat sa pangalan mo ang title ng property.
Here are some possible risk:
✅ Nakapangalan pa rin sa seller ang Title.
Sa records ng Registry of Deeds, hindi pa ikaw ang official owner.
✅ Pwedeng magkaroon ng penalties, surcharge, at interest.
Kapag hindi nabayaran on time ang Capital Gains Tax (CGT) at Documentary Stamp Tax (DST), lalaki ang babayaran mo.
✅ Pwedeng may additional requirements.
Habang tumatagal, may chance na may bagong documents na hihingin depende sa situation at sa government agencies.
✅ Mas magiging complicated kung may legal issues ang seller.
Kung magkaroon ng kaso, utang, o ibang legal problems ang seller, pwedeng maapektuhan ang pag-transfer ng title.
🚨 Worst Case Scenario: Paano kung namatay na ang original owner na nakapangalan sa title?
Kung hindi pa na-transfer ang title at namatay na ang seller, mas hahaba at magiging mas complicated ang proseso. Kailangan mo pang makipag-coordinate sa mga legal heirs at posibleng mag-submit ng additional documents o dumaan sa ibang legal procedures bago maipagpatuloy ang transfer.
💡 Real Estate Tip: Huwag nang patagalin ang Pag Transfer ng Title. Kapag nakabili ka ng property agad mo dapat itong iproseso para maiwasan ang penalties, delays, at legal complications.
Kung wala kang oras mag asikaso ,maghanap ka ng Real Estate Practitioner Like Broker and Salesperson who process Transfer of Title.
⚠️ Disclaimer: Iba-iba ang bawat property transaction. Ang requirements at proseso ay pwedeng magbago depende sa situation at sa involved agencies.
💬 May tanong ka tungkol sa Title Transfer? Do you want assistance and service for Transfer , Message us