05/03/2026
Mother Title (1000 sqm) pero 4 na buyers na ang may kanya-kanyang portion.
Ganito ang actual na mangyayari sa proseso kapag si Buyer 1 ang unang magpapatitulo.
📌 Scenario
Mother Title: 1000 sqm
Hati sa 4 buyers:
Buyer 1 – 200 sqm
Buyer 2 – 200 sqm
Buyer 3 – 300 sqm
Buyer 4 – 300 sqm
Total = 1000 sqm
🧾 Ano ang Gagawin ni Buyer 1 (kung siya ang unang magpapatitulo)
1️⃣ Magpa-Subdivision Survey
Kailangan muna hatiin ang mother lot sa apat na bagong lots.
Mga gagawin:
Kumuha ng Licensed Geodetic Engineer
Gagawa ng Subdivision Plan
Ipapasa sa DENR / Land Management Bureau para ma-approve
Resulta: Magkakaroon ng 4 na bagong lot numbers
Example:
Lot 1 – 200 sqm (Buyer 1)
Lot 2 – 200 sqm (Buyer 2)
Lot 3 – 300 sqm (Buyer 3)
Lot 4 – 300 sqm (Buyer 4)
2️⃣ Gumawa ng Deed of Absolute Sale para sa 200 sqm
Para kay Buyer 1:
DOAS (200 sqm portion)
Nakalagay ang specific lot number mula sa subdivision plan
3️⃣ Magbayad ng Taxes
Sa BIR:
Capital Gains Tax
Documentary Stamp Tax
Sa City Hall / Municipal Hall:
Transfer Tax
4️⃣ Transfer sa Registry of Deeds
Isusubmit:
Approved Subdivision Plan
Deed of Absolute Sale
BIR CAR
Tax Clearance
Resulta:
✔️ Magkakaroon ng bagong titulo si Buyer 1 (200 sqm)
🏡 Ano Mangyayari sa Natitirang 3 Lots
Ang Mother Title ay macacancel, at papalitan ng apat na bagong titles.
Magiging ganito ang resulta:
Lot 1 - 200 sqm
Titulo kay Buyer 1
Lot 2 - 200 sqm
Mananatili muna sa pangalan ng seller
Lot 3 - 300 sqm
Mananatili muna sa pangalan ng seller
Lot 4 -300 sqm
Mananatili muna sa pangalan ng seller
Ibig sabihin:
➡️ Hindi pa automatic na kay Buyer 2,3,4 ang titulo.
Kailangan pa nilang mag process ng transfer kapag handa na sila.
⚠️ Important na Dapat Tandaan
✔️ Kahit si Buyer 1 lang ang nagpa-process, madadamay na ang buong mother title dahil kailangan itong i-subdivide muna.
✔️ Ang natitirang lots ay magiging separate titles, pero pangalan pa rin ng original owner hangga't hindi pa naitratransfer.
✔️ Kaya mas maganda kung sabay-sabay ang processing para mas tipid sa survey at processing.
🎯 BossRCT Quick Tip☺️
Kung may maraming buyers sa isang Mother Title, siguraduhin na:
May Subdivision Plan
May clear na lot assignment
May Deed of Sale bawat buyer
Para maiwasan ang conflict sa titulo sa future.
Credit: RCT