05/10/2026
𝐂𝐎𝐍𝐒𝐔𝐌𝐄𝐑 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘: MAGHANDA AT MAGTIPID NG TUBIG SA PAGPASOK NG "SUPER" EL NIÑO
Mga 𝗸𝗮-𝗘𝗹 𝗡𝗶𝗱𝗼,
Ayon sa pinakabagong babala mula sa DOST-PAGASA at National Water Resources Board (NWRB), inaasahang titindi at magiging isang "𝐕𝐞𝐫𝐲 𝐒𝐭𝐫𝐨𝐧𝐠" o "𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫" 𝐄𝐥 𝐍𝐢𝐧̃𝐨 ang kasalukuyang panahon ngayong huling quarter ng 2026 na maaaring magpatuloy hanggang sa unang kalahati ng 2027.
Dahil dito, inaasahan ang mas kaunting pag-ulan, mas mainit na panahon, at banta ng 𝐰𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐬𝐡𝐨𝐫𝐭𝐚𝐠𝐞 sa mga susunod na buwan.
Upang maiwasan ang malalang krisis sa tubig dito sa ating bayan, nanawagan po ang El Nido Water Supply System (ENWSS) sa bawat sambahayan at negosyo na simulan na ang responsableng paggamit at pagtitipid ng tubig.
1️⃣ 𝗠𝗮𝗴𝘁𝗶𝗽𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴
Gamitin lamang ang tubig na kailangan. Iwasan ang hindi kinakailangang paggamit at pag-aaksaya.
2️⃣ 𝗠𝗮𝗴-𝗶𝗺𝗯𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲
Maghanda ng sapat na imbakan para sa pangunahing pangangailangan. Panatilihing malinis, may takip, at maayos ang mga lalagyan.
3️⃣ 𝗔𝘆𝘂𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗴𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗴𝗮𝘀
Suriin ang mga gripo, inidoro, tubo, at tangke ng tubig. Kahit maliit na tagas ay maaaring magdulot ng malaking pag-aaksaya.
4️⃣ 𝗨𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁
Unahin ang tubig para sa pag-inom, pagluluto, personal na kalinisan, at iba pang pangunahing pangangailangan sa bahay.
5️⃣ 𝗜𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁
Iwasan ang mga aktibidad na gumagamit ng malaking dami ng tubig, tulad ng labis na paghuhugas, paglilinis, at pagdidilig.
6️⃣ 𝗜-𝗿𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗸𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴
I-report ang mga nakikitang tagas, ilegal na koneksyon, o sirang linya ng tubo sa aming tanghalan.
Makikipagtulungan po ang ating pamahalaang lokal upang panatilihing maayos ang distribusyon ng tubig. Ang inyo pong kooperasyon sa pagtitipid ay malaking tulong para sa buong komunidad.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at pakikiisa!
Basahin ang buong ulat tungkol sa El Niño Advisory: https://www.abs-cbn.com/news/weather-traffic/2026/10/1/public-urged-to-conserve-water-as-super-el-ni-o-looms-1823