12/12/2025
Para kina Kagalang-galang na Presidente Reynaldo Carpio at sa Pamilya ng Grand Monaco Land/Montana Misora Homes, maging ang mga nasa iba't ibang Management Team,
Maraming, maraming salamat po dahil binigyan ninyo kami ng pagkakataong mapabilang sa pamilya ng Montana Homes. Sa bawat araw na kami ay nasa kumpanya, marami po kaming natutunan hindi lamang sa paghubog ng aming propesyonal na karera kundi maging sa pagpapaunlad ng aming pagkatao o character.
Bagamat marami pong pagsubok ang pinagdaanan ng Sales and Marketing, patuloy po kayong nagbigay ng suporta at paggabay sa bawat isa sa amin, mula sa mga Sellers hanggang sa ating mga minamahal na kliyente.
Sa aking minamahal na Team, ang Red Conquerors (Phoenix at Phoenixia),
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo dahil sa buong taon na hindi tayo bumitaw. Marami man tayong pinagdaanang mga hamon at kaganapan, patuloy tayong lumaban at mas piniling maging matatag at magkaroon ng paggalang sa isa't isa.
Aking ipinagdarasal na patuloy tayong bigkisin ng ating pagtutulungan at pagkakaisa upang makamit ang ating mga layunin, hindi lamang para sa taong ito kundi maging sa mga darating pang taon. Hinihiling ko na magpatuloy tayo sa ating magandang nasimulan, lalong tumibay ang ating samahan, at sabay-sabay tayong lumago.
Always remember to serve and love our Profession.
Maraming Salamat at Pagpalain tayo ng Diyos!
From: Broker Gennina C. Gallardo