10/02/2020
โผ๏ธINFORMATION ALERTโ
USAPANG MANA, ESTATE TAX AT PAGLILIPAT NG TITULO:
"HINDI NYO PA BA NALILIPAT ANG PANGALAN NG TITULO NG LUPA MULA SA TAONG NAMATAY PAPUNTA SA KANYANG TAGAPAGMANA?"
ANG LUPA, CONDO, KOTSE, DEPOSITO SA BANKO AT IBA PANG ARI-ARIANG KATULAD NG SHARES OF STOCK NG ISANG NAMATAY NA TAO AY HINDI MAIILIPAT SA NAME O PANGALAN NG KANYANG TAGAPAGMANA KUNG WALANG LEGAL NA DOKUMENTO NA PIRMADO NG MGA TAGAPAGMANA O ORDER NG KORTE PARA SA PAGLILIPAT NITO AT HINDI NABAYARAN ANG ESTATE TAX NA ITINALAGA NG BATAS.
PANAHON NA ILIPAT NGAYON DAHIL MAY "ESTATE TAX AMNEST" NA!
Karaniwan sa atin na may mga naiwan na lupa, condo, kotse, deposito sa banko at iba pang ari-arian katulad ng shares of stock ang mga kamag-anak na namatay at hindi agad ito nalilipat sa pangalan o name ng mga taga-pagmana o heirs. Marami ang nagtatanong kung ano ba ang dokumentong legal na kailangan para malipat ang mga nasabing ari-arian papunta sa mga taga-pagmana. Ganito ang query ng isang reader:
"Attorney, nag-iisa po akong anak ng namatay kong mga magulang at may naiwan po silang apat na lupa. Ano po ba dapat kong gawin at iprepare dokumento para malipat ko ang titulo sa akin?
"Magandang araw po. Alamin ko lang po kung ano po ba gagawin namin para mahati ang mga lupa na naiwan ng namatay namin na parents at malipat sa aming magkakapatid?
Merong mga nag-iiwan ng "Last Will and Testament" at ang iba naman ay walang naiwan at ang mga tagapagmana ay nagkakasundo na lamang sa pamamagitan ng pagpirma ng mga "Extrajudicial Settlement of Estate" at ipanonotaryo ito sa Notary Public. Kung walang "Last Will and Testament" o "Extrajudicial Settlement of Estate", ang mga taga pagmana ng mga ari-arian ng namatay ay hindi malilipat sa pangalan o name ng mga taga-pagmana o heirs. Kung kaya ang dokumento na ito ay isang mahalagang bagay.
Kung ang naiwan ng namatay ay kaisa-isang anak at tagapagmana ng kanyang magulang, ang kanyang kailangan na legal na dokumento upang malipat ang titulo sa pangalan niya ay ang "Affidavit of Self-Adjudication of Sole Heir" o "Declaration of Heir and Self-Adjudication of Estate". Ang legal na dokumento na ito ay pipirmahan ng kaisa-isang tagapagmana at ipapanotaryo sa Notary Public at ipaparehistro sa Registry of Deeds kung saan makikita ang nasabing lupa o ari-arian.
Kung ang naiwan ng namatay na tagapagmana ay marami at meron silang kasunduan sa paghahating mga naiwang ari-arian ng namatay, ang kailangan na legal na dokumento ay ang "Extrajudicial Settlement of Estate" na pipirmahan ng lahat na tagapagmana (compulsory heirs) katulad ng asawa at mga anak.
Kung ang mga tagapagmana ay hindi nagkakasundo sa paghahati-hati ng kanilang mga mana sa ari-arian ng namatay, kailangan ang isa sa kanila ay magsampa ng kaso sa korte na tinatawag na "Judicial Settlement of Estate" at ang korte ang magdedesisyon dito at ito ang gagamitin na legal na dokumento kung ito ay final and executory upang utusan ang Registry of Deeds na ilipat ang titulo ng naayon sa laman ng desisyon.
Kung meron naman na naiwan na "Last Will and Testament", ito ay dapat i-probate sa korte o patunayan na ito ay pinirmahan ng namatay ng naayon sa batas at sa mga requirements ng batas. Kailangan ang isa sa kanila ay magsampa ng kaso sa korte na tinatawag na "Probate of Will o Allowance of Will" at ang korte ang magdedesisyon dito at ito ang gagamitin na legal na dokumento kung ito ay final and executory upang utusan ang Registry of Deeds na ilipat ang titulo ng naayon sa laman ng desisyon.
Ngunit pagkakaroon ng "Last Will and Testament" o "Extrajudicial Settlement of Estate" ay hindi sapat dahil kailangan na munang magbayad sa BIR ng "estate tax". In a Supreme Court case, the High Court ruled that a judge commits a grave abuse of discretion when he orders a partial distribution of the estate without the payment of estate taxes. [Vera vs. Navarro, No. L-27745, October 18, 1977]
Ang estate tax ay isang buwis na binabayaran sa gobyerno upang malipat ang mga ari-arian ng namatay papunta sa mga tagapagmana nito. Ang estate tax ay based sa "net estate value" kung saan ito ay computed sa pamamagitan ng pagkuha sa gross estate value o kabuoang halaga ng mga ari-arian at babawasin ang mga nagastos sa medical, hospitalization, funeral and other expenses ng namatay at ang suma-total nito ay tinatawag na "net estate value".
Hindi pa ba bayad ang estate tax? Matagal na ba at malaki ang penalty at interest?
Do not worry, pagkakataon mo na ito. Nilagdaan ni President Rodrigo Duterte last 14 February 2019 ang Republic Act No. 11213 or the Tax Amnesty Act kung saan pinapayagan na ang mga tao na tagapagmana na bayaran ang estate tax na matagal na hindi nabayaran ng walang penalty at interest covering those from December 31, 2017 pababa.
Kung ang allowable deductions ay mas mataas sa gross estate value, may fix na P5,000 estate tax ang babayaran.
Ayon sa bagong batas na Train Law o Republic Act No. 10963 kung saan naging mas mababa ang estate tax.