11/02/2021
๐QUICK GUIDE TO OWN A HOUSE ๐
Kadalasan, kapag sinabi nating HOUSE LOAN, sandamakmak na requirements at processing fees ang pumapasok sa isip natin. Tapos, suddenly, we decide na, ay wag na lang. Hassle na. Pero sa totoo lang, napakadali lang kumuha ng housing unit. Basahin at unawain ang mga hakbang sa baba para mas maganahan tayong kumuha ng bahay at lupa.
๐ Pay the RESERVATION FEE - Yes. May bayad po ang pagpapareserba ng unit. Para po sa assurance na din ng developer na kapag nagdecide kang kunin ang unit and at the same time hindi nya ibebenta sa ibang may gusto sa unit. Usually, applicable ito sa mga corner lots na always pinag aagawa. FIRST RESERVE! FIRST TO GET IT!
๐ Pay the PROCESSING FEE - Ang procesing fee, ay yaong bayad na ipambabayad natin sa pagprocess ng papeles ng applications natin. Usually ay ipinapatong ito sa Equity or Downpayment para hindi gaanong mabigat sa bulsa.
๐ Pay the EQUITY/DOWNPAYMENT - Kadalasan, ito ay na i-interchange ng buyers sa Reservation Fee. Kaya, kapag nag inquire tayo sa mga agents, siguraduhing tama ang tanong para hindi kayo malito sa sagot. Anyway, Ang ating mga Developers po ay hinahanapan ng paraan para mas maging affordable ang ating units kaya pinapabayaran nila ng hanggang 3 years or 36 months. Let's have an example.:
~Total Equity = P120,000.00
~Payable for 36 mos. = P3,334.00
๐ Apply for PAG-IBIG: Samantalang binabayaran natin ang ating equity, mas maiging mag simula na tayong mag apply para sa Pag-Ibig na loan. Since, majority ng mga prospect na homeowners ay hindi kayang ifully paid ang units, idadaan natin sa Pag-Ibig financing. Ang problema kadalasan sa ating mga buyers ay iniisip nila na mas malaki ang total na babayaran sa loob ng 30 or 25 years kesa sa i cacash mo nalang. Syempre po, dahil may interest ang loans, natural lang na mas malaki ang magiging value ng babayaran mo. Kasabay na rin na lalaki ang value ng property mo. So, yes, talagang lalaki yan sa loob ng 25 or 30 years.
Pero, paano yung mga walang Pag-Ibig o naputol ang payment and hindi na naupdate? forever broken na ba? HINDI PO. Pwede nating bayaran ng one time big time ang ating account para maging active siya. Babayaran natin ang value equivalent sa 24 months o dalawang taon na hindi bababa sa Php4,800.00.
๐ Pay the Monthly Amortization of Pag-Ibig: Pagkatapos nating mabayaran ang Equity at nakapasa sa Loan Application sa Pag-ibig, babayaran na natin ngayon yung monthly amortization o sa Cebuano pa "bulanan". Nakadepende po sa buyer kung gaano katagal nyang babayaran ang monthly amortization dahil pwede po nating applyan ito ng 5 years, 10 years, 15 years, 20 years, 25 years, or 30 years. Pagkatapos mong mabayaran, ay yes. SAYONG SAYO NA SYA! With title na po.
๐ FOR QUESTIONS AND QUERIES. PLEASE POST THEM HERE PARA MATULUNGAN NAMIN KAYONG HANAPIN ANG DREAM HOUSE NYO. :)