Thalabul 'Ilm al-Islamiy

Thalabul 'Ilm al-Islamiy Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Thalabul 'Ilm al-Islamiy, Real Estate, purok maunlad barangay apopong, General Santos City.

إِنَّ مَعَ ٱلْعُسْرِ يُسْرًۭا

hindi po ako ustadh, hindi rin ulama at hindi m***i, isa lamang akong mag-aaral na nag-hahatid nang mensahe, di ako perpekto, naway wag husgahan. 🤍

😓🤲🏻
19/03/2026

😓🤲🏻

19/03/2026

ANG UGNAYAN NANG MAG ANAK O PAMILYA BAGO MATAPOS ANG BUWAN NANG RAMADHAN🤲🏻🕌
by: Datu Junjun Abdullah Kaharudin

11/03/2026

𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗾𝘂𝗿’ā𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗮𝗺𝗮𝗱𝗵ā𝗻.
by: Datu Junjun Abdullah Kaharudin

Ang buwan ng Ramadhān ay isang natatanging panahon na ipinagkaloob ng Allah (SWT) upang higit na mapalapit ang mga Muslim sa Kanya. Isa sa mga pinakamahalagang gawain sa buwang ito ay ang 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗤𝘂𝗿’ā𝗻, sapagkat dito ibinaba ng Allah ang Kanyang gabay para sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pagbabasa nito, napapaalalahanan tayo sa tamang landas, napapalakas ang ating pananampalataya, at napupuno ng kapayapaan ang ating mga puso.

Kaya’t samantalahin natin ang pagpapala ng Ramadhān sa pamamagitan ng paglalaan ng oras para sa Qur’ān, hindi lamang sa pagbabasa, kundi pati sa pag-unawa at pagsasabuhay ng mga aral nito. Nawa’y gawin ng Allah (SWT) ang Qur’ān bilang ilaw ng ating mga puso at gabay sa ating buhay. Ameen. 🤍📖

03/03/2026

𝗜𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗮𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗥𝗮𝗺𝗮𝗱𝗵ā𝗻 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗿 (pagiging matiisin).
by: Datu Junjun Abdullah Kaharudin

Ang Ramadhān ay hindi lamang panahon ng pag-aayuno sa gutom at uhaw, kundi isang dakilang panahon ng pagsasanay sa pagsasabr at pagpipigil sa sarili. Sa bawat araw ng pag-aayuno, hinuhubog ang ating asal, pananalita, at kilos upang umiwas sa mga gawaing maaaring makasira sa diwa ng pagsamba. Hindi lamang ang katawan ang nag-aayuno, kundi pati ang puso at isipan mula sa kasalanan at masasamang pagnanasa. Tunay na ang Allah ay kasama at nagmamahal sa mga taong matiisin, at ang gantimpala sa pagsasabr ay ipinagkakaloob nang walang hangganan.

الصيام ليس عن الطعام والشراب فقط، بل عن المعاصي أيضًا.
(Ang pag-aayuno ay hindi lamang pag-iwas sa pagkain at inumin, kundi pati sa mga kasalanan.)

Nawa ay ilayo tayo ng allah (SWT) sa mga gawaing hindi kanais-nais. Ameen. ✨

01/03/2026

𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮-𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗮𝗵𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗬𝗮𝘄𝗺𝘂𝗹 𝗤𝗶𝘆ā𝗺𝗮𝗵
by: Datu Junjun Abdullah Kaharudin

Sa Araw ng Yawmul Qiyāmah, ang pinakaunang kukwentahin sa bawat tao ay ang kanyang 𝗦𝗮𝗹ā𝗵 (dasal). Ito ang magiging batayan ng pagtanggap o pagtanggi sa iba pa niyang mga gawa. Kaya’t ito ay isang malinaw na paalala sa bawat Muslim na pahalagahan at ingatan ang Salāh, sapagkat ito ang ugnayan natin sa Allah (SWT) at tanda ng ating pagsunod sa kanyang mga utos. Huwag nating ipagpaliban ang pagsamba habang tayo ay may lakas at pagkakataon pa.

Nawa’y maging kabilang tayo sa mga taong pinangalagaan ang kanilang Salāh at tinanggap ang kanilang mga gawa sa Araw ng Yawmul Qiyāmah. Ameen. 🤲🏻🤍

28/02/2026

𝐀𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐧𝐭𝐢𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐮𝐤𝐮𝐡𝐚 𝐦𝐨 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐚𝐦𝐚𝐝𝐡ā𝐧?
by: Datu Junjun Abdullah Kaharudin

Sa bawat gutom na tinitiis, bawat dasal na ibinubulong, at bawat pusong nagsisisi, inihahanda ng Allah (SWT) ang gantimpalang hindi kayang tumbasan ng anumang kayamanan sa mundo. Ang 𝐑𝐚𝐦𝐚𝐝𝐡ā𝐧 ay paalala na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa kung ano ang ating tinatanggap, kundi sa kung gaano tayo lumalapit sa Allah (SWT). Sulitin natin ang bawat sandali ng banal na buwang ito, sapagkat ang gantimpala nito ay walang hanggan. Ameen. Ramadhān Mubārak!!! 🤍

26/02/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗟𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶𝗸𝘀𝗶𝗸 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻.
by: Datu Junjun Abdullah Kaharudin

ang pag sasaliksik nang kaalaman ay obligado sa lahat nang muslim. 🖊📚Datu Junjun Abdullah Kaharudin
26/02/2026

ang pag sasaliksik nang kaalaman ay obligado sa lahat nang muslim. 🖊📚

Datu Junjun Abdullah Kaharudin

Address

Purok Maunlad Barangay Apopong
General Santos City
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Thalabul 'Ilm al-Islamiy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category